Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

“Polio” sinipa ng Taguig City sa kanilang libreng supplemental oral polio vaccination

UMARANGKADA na ang Taguig City sa kanilang libreng supplemental oral polio vaccination.

Ang ultimong layunin niyan, ‘sipain’ at i-knockout ang polio sa kanilang siyudad pero ang naging resulta sila ang may pinakamataas na puntos sa National Capitol Region (NCR). 

‘Yun nga, nanguna ang Taguig sa local government units sa NCR sa pagpapatupad ng “Sabayang Patak kontra Polio” (SPV) campaign ng Department of Health (DOH).

Sa ika-11 araw ng 14-day program, nakakuha ang Taguig ng rating na 102 percent at nasungkit ang pinakamataas na puntos sa mga siyudad at munisipalidad sa NCR. 

Umabot sa 96,866 residente ang nabakunahan sa Taguig.

Ang resulta ay dumaan sa validation ng grupo mula sa DOH at World Health Organization, na nagsagawa ng Rapid Coverage Assessment.

Kasunod ng pag-anunsiyo ng polio outbreak sa bansa noong 19 Setyembre, ang City of Taguig ay agarang pinalakas ang kampanya kontra sa nasabing sakit sa pamamagitan ng pagbabakuna sa barangay health centers at house-to-house visits.

Nakalinya ito sa DOH Memorandum No. 2019-0318 na nananawagan sa pagpapatupad sa NCR ng nasabing SPV campaign mula Oct. 14-27 at Nov. 25-Dec. 7.

Sa ilalim ng programa, ang mga kabataan na may edad 0-59 buwan ay binibigyan ng oral poliomyelitis (polio) vaccination upang matulungan ang kanilang pangangatawan na labanan ang virus na maaaring magdulot ng habang buhay na paralysis (sa mga paa at binti at mga muscle na kumokontrol sa organs sa ating paghinga) na puwedeng mauwi sa kamatayan.

Matapos ang pagkilala, agad nagpahayag ng kagalakan si DOH Health Policy and Systems Development Undersecretary Mario Villaverde sa probinsiyudad sa epektibong pagpapatupad ng anti-polio drive.

Bilang sagot sa pagkilala, saad ni Taguig City National Immunization Program Coordinator Dr. Jennifer Lou Lorico-De Guzman na ang puntos ay patunay na mas malawak ang proteksiyon na ibinigay ng lungsod sa mga residente laban sa polio virus.

Upang makuha ang malawak na coverage, pinalakas ng Taguig City ang working force sa pamamagitan ng pagsagawa ng reorientation sa mga Barangay Health Workers (BHW) at City Health Personnel kung paano isagawa nang maayos ang pagbakuna at pag-handle ng polio vaccine vials.

“Hindi lamang mga doktor, maging ang ating BHWs ay nagsagawa ng voluntary work kada weekends upang maayos ang pagbigay at mas malawak ang masakop ng target kada araw,” ayon kay Dr. De Guzman.

Dagdag niya, ang collaborative effort sa medical practitioners mula pribadong hospitals kagaya ng St. Luke’s Medical Center-Global City, Medical Center Taguig at Cruz-Rabe Hospital ay naging epektibong estratehiya.

Wika ni De Guzman, bukod sa layuning mas malawak na accomplishment coverage, ang City Health Office, sa pamamagitan ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) at ang hospital disease surveillance network, ay patuloy na nagmo-monitor ng mga kaso ng acute flaccid paralysis (AFP) gamit ang AFP surveillance system, isang mabisang estratehiya sa pagsawata ng polio.

Ang Taguig health office ay patuloy na nagbibigay ng libreng routine vaccines kasama ang Hepatitis B, BCG (Bacillus Calmette–Guérin), DPT (Diptheria, Tetanus Toxoids and Pertussis), Hib (Haemophilus Influenzae Type B ), Pentavalent vaccine o ang 5-in-1 vaccine at Polio Vaccine sa mga Barangay Health at Super Health Centers.

Noong November 2018, ang Taguig ay nagsimulang magbigay ng human papilloma virus vaccines sa mga babaeng estudyante na may edad 9-14. Ang mga bakunang ito ay upang mabigyan proteksiyon ang mga babaeng estudyante laban sa cervical cancer.

Ang iba pang school-based immunization programs ay para rin sa Measles Rubella (MR) at Tetanus Diptheria (Td) na ibinibigay sa mga Grade 1 at 7 na estudyante.

Ang Pneumococcal vaccines ay ibinibigay din sa mga Taguigeño na senior citizens.

O may hahanapin pa ba tayo sa Taguig?!

Pati bakuna kompleto!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *