Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Patay ba o buhay ang anak ni Osang sa serye? “Pamilya Ko” nina Sylvia, Joey, JM, Irma atbp., pang-apat na sa 10 most watched programs SA ABS-CBN

TULAD ng The Greatest Love ni Sylvia Sanchez, sobrang ingay at lakas ng feedbacks ngayon ng pinagbibidahan uling “Pamilya Ko” ng mahusay na Kapamilya actress. Paano bawat tagpo ng seryeng ito ay kaabang-abang tulad ng kung patay ba o buhay ang anak ni Rosanna Roces sa serye?

Pinaniwala kasi siya na matagal nang wala ang kanyang anak pero ayaw maniwala ni Elena (pangalan ng karakter ni Osang) at maniniwala lang daw siya kapag si Fernan (Joey Marquez) na mismo ang magkompirma sa kanya na patay na ang kanilang anak.

At kung pinag-uuusapan ang ‘layas scene’ ni Sylvia, na muling pinatunayan ni Ibyang ang level up na galing sa pag-arte. Sobrang hook din ngayon ang tagasubaybay ng Pamilya Ko kay Irma Adlawan na sinabunutan to the max ni Maris Racal sa isang eksena.

Samantala Close si Irma kay Elena, at siya na kaya ang magiging susi para malaman ni Elena kung buhay pa ang kanyang panganay sa serye? Ipinakita na ang eksenang nagpunta si JM de Guzman sa bahay ni Elena para ihatid ang order nitong painting. Noon nakita ni JM ang isang larawan ng sanggol na lalaki, maisip kaya niya na siya iyon o kanya itong babalewalain?

Sobrang dami nang pumuri sa Pamilya Ko, na recently lang ay nagtamo ng mataas na rating na 22.2% at pang-apat na sila sa 10 most watched programs sa ABS-CBN.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …