Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gretchen, Claudine, at Marjorie, wala ng kahihiyan

HAY naku, grabe itong magkakapatid na Gretchen, Claudine, at Marjorie Barretto. Pati na rin ang ibang mga anak nila, nakisawsaw sa kaguluhan at away sa burol ng kanilang yumaong ama.

Dios mio, mga walang modo, ang gaganda pa naman at mga nag-aral. Pero mga bastos! Wala kayong kahihiyan, pati si Pangulong Digong na nakiramay eh, naging reperi pa. Dapat kurutin ang mga singit.

Hindi ba tayong mga Pinoy, kapag namatayan, nagdadamayan, parang reunion. Pero iba ang Barretto sisters, nag-aaway-away. Nagkasakitan pa, may mga galos sa katawan si Claudine. Tapos sila pa ang humihingi ng pang-unawa sa tao.

Hoy gising. Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Mr. Barretto. Alam ko biling-baliktat siya sa pagkakahimlay sa kanyang kabaong. May you rest in peace!

Ang ganda pa naman ng mga anak nito, pero mga bastos. Salbahe sila, tao lang ako, madali akong magalit sa mga anak na walang paggalang sa mga magulang.

‘Yung dalawa kong apo, sinasampal ko kapag sumasagot ng wala sa lugar.

Rest in peace, Mr. Barretto I will pray for you! Kahit sina Mr. Chen, Marjorie at Claudine, kasama sa dasal ko na magbago na sila. Amen

NO PROBLEM DAW
ni Letty G. Celi

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Letty Celi

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …