Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

K-12 program rerepasohin ng Kamara dahil ‘di nakatugon sa kawalan ng trabaho sa bansa

IPINAREREPASO ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang K-12 program ng Department of Education (DepEd) dahil hindi nakatugon sa pakay na solusyonan ang kawalan ng trabaho sa bansa.

Una nang nagpahayag si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na kailangan rebisahin ang batas na sumasaklaw sa gitna ng mga isyung bumabalot sa sistema ng edukasyon.

“The investigation is long overdue and is needed to look into the roots of the issues, including the chronic underfunding for the requirements of basic education, and immediately address them,” ani Castro.

“The law mandated basic education to encompass one year of kindergarten education, six years of elementary education, and six years of secondary education, which includes four years of junior high school and two years of senior high school without addressing perennial problems already being faced by teachers and students before the enhanced basic education program,” paliwanag pa ni Castro.

Sabi, kaya ginawang anim na taon ang high school upang bigyang solusyon ang kawalan ng trabaho sa bansa pero hindi ito nangyari.

Ayon kay Castro, dumami nga ang skilled workers pero wala namang napapasukang trabaho.

“We see the effects of having a pool of skilled laborers with a government that does not provide enough opportunities for its people for decent jobs with decent salaries. They are forced to risk their lives away from their families and serve in foreign countries as cheap laborers and are susceptible to discrimination,” dagdag ni Castro.

Mantakin naman ninyo, ang laki ng budget na ibinuhos sa K-12 program — hindi lang milyon kundi bilyon.

Pero sa  kabila nito, hindi naman natugunan ang ultimong layunin na mabigyan ng trabaho ang mga nakatapos ng Senior High School na hindi tutuloy sa pagkokolehiyo.

Dapat na nga sigurong repasohin ng Kamara K-12 program.

Mas dapat sigurong ituon ang budget para sa makabagong classrooms, karagdagang guro at libro, upang makaangkop sa mabilis na pagdami ng mga mag-aaral.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *