Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Imbes ending ng ENDO, Party-list Rep gusto 24 months probation para sa mga obrero at ibang empleyado

IMBES wakasan ang kontraktuwalisasyon o ENDO sa sistema ng paggawa at pag-eempleyo, iminungkahi ni Probinsyano Ako party-list Rep. Jose “Bonito” Singson, Jr., sa kanyang House Bill 4802 na susugan ang Labor Code of the Philippines at gawing 24-buwan ang probation period ng mga obrero at mga empleyado.

Aba’y kagaling, ang dami ngang nanawagan na wakasan na ang kontraktuwalisasyon at ENDO, siya naman na kinakatawan pa umano ng mga probinsiyano ay pinahahaba ang paghihirap ng mga manggagawa?!

Sabi nga ni KMU chairperson Elmer Labog, “Ang panukalang gawing 24 buwan ang probationary period ng isang bagong empleyado ay isa na namang pagmamalabis sa manggagawa.”

Ang layunin niya rito ay “to avoid the automatic regularization of employees in their workforce.”

Arayku!

Palagay natin ‘e, alam na ng mga botante kung anong party-list ang hindi na nila dapat iboto dahil halatang-halata na ang isinusulong nila ay pansariling interes lamang.

Kasalukuyan umanong nakabinbin sa House Committee on Labor and Employment ang panukalang ito.

 “[A] period of six months under the present set up is not sufficient a period in order for the employer to determine if the probationary employee is qualified for regular employment, especially in positions which require specialized skills and talents,” ani Singson, na halos tatlong-buwan pa lang nanunungkulan sa Kamara, sa kanyang explanatory note.

Mga suki, alam na ninyo kung sino ang dapat ib…asura.

‘Yun lang.

 

GUTOM
SA IMMIGRATION
SUPERVISOR’S
SEMINAR

KUNG hindi pa raw nangyari ang kasalu­kuyang “Immigration Supervisor’s Seminar” ay hindi pa mabibisto na magpahanggang ngayon ay wala pa rin daw official caterer ang current training ng mga newly hired Immigration Officers sa Philippine Immigration Academy sa Clark, Pampanga.

Na naman?!

Mag-iisang buwan na raw ay kanya-kanya pa rin bili ng kanilang  pagkain ang bagong IOs at ngayon daw ay nadagdag na rin sa kanilang pahihirapan ang mga bisor sa BI-NAIA!

Wattafak RPL!?

E anong nangyari sa badyet ng mga gina­gawang training and seminars diyan??

Bakit nagko-conduct ng training kung wala naman silang ipakakain sa participants??

Dahilan daw ng mga hindoropot at bida-bidang Junior Training Officers (JTOs) ng CTR ay hindi pa raw approved ng BI Bids and Award Committee (BAC) ang badyet para sa training at pagkain para sa trainees at mga bisor na nariyan.

 (Take note: May mukha pa raw mag-impose ng mahigpit na house rules ang mga JTO samantala sila naman ang numero unong violators sa mga ipinatutupad na tungkulin sa lugar!?)

Ang kakapaaal naman talaga!

Wala palang badyet e bakit nagpa-training pa?

Ibang klase talaga!

Bullies na nga, wala pang awa!

FAQ!

Kanya-kanyang bili raw sa karinderya ang mga bagong IOs pati mga bisor na nandoon ngayon kaya gigil na gigil daw ang old timers na empleyado na kasali sa sistema ng CTR o Center for Training and Research.

Susme!

Kung iisiping mabuti, paano kung sakaling ma-approved na ang badyet makalipas ang isang buwan?

Ire-reimburse pa ba sa mga trainee ang ginastos nila?

E ‘di nganga!

Magiging TY na lang ba ang isang buwang badyet na dapat ay para sa trainee participants?

So kaninong bulsa ngayon mapupunta ang sobra?

Dedmakels na lang siyempre!

Hindi raw malayo na ang makinabang sa sobrang badyet ang Lola Si-reyna?

Tama o mali, IO Golepang?

O kaparte rin kayo sa hatian?

‘Di ba ang tawag sa ganyan ay simpleng pandaraya?

Noon pa naman natin sinasabi na ‘di tayo naniniwala na “righteous pa-epek” ang mga nilalang diyan sa PIA.

Kundi pa natin alam ang tunay na karakas ng tumatayong si-reyna d’yan ‘no!

Darami ba ang mga “peyk Filipino” sa Filipinas kung hindi maraming minadyik na papeles ang isang ‘yan!

Milyones umano ang kinita ng malditang bruha!

Ewan lang kung properly informed ang office ni Comm. Morente sa nangyayari riyan sa BI-CTR!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *