Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mystica, tagapagtanggol ni Dovie San Andres

MATINDI ang naging banggaan ni Dovie San Andres at ng kanyang dating publicist at ito ay may kaugnayan sa pera. May phobia na kasi si Dovie sa mga taong nanloko sa kanya, kaya this time talagang kapag alam niyang nasa katuwiran siya ay palaban siya.

Ang hindi nagustohan ng nasabing controversial social media personality (San Andres) ay ‘yung pang-iinsultong ginawa sa kanya ng former publicist na ipinadala lahat sa kanyang messenger na sinabihan siyang matanda na para mag-artista at wala na raw pambili ng plane ticket pauwi ng Filipinas dahil wala na siyang pera.

Nagbanta pa na magdemandahan sila at magkakaubusan ng pera kaya plano ni Dovie, na once makauwi siya ng bansa ay pupunta siya kay Raffy Tulfo para ireklamo ang nangha-harass sa kanya at suportado siya rito ng kaibigan niyang si Mystica na nagbanta naman doon sa reporter, na kumpare niya na kapag hindi nito tinigilan si Dovie ay may mga sasabihin siya tungkol sa pagkatao niya. At doon na tumigil sa kakasatsat ang nasabing writer-publicist.

“Hindi ko talaga expected na with all people ay si Mystica, ang unang magde-defend sa akin, kaya labis-labis ang pasasalamat ko sa kanya. Kasi ayaw talaga akong tantanan ni ____________ (name ng original niyang publicist). Hindi ako nagkamali ng pag-i-idolize kay Mystica kasi may concern siya sa akin, kaya nandito rin ako para suportahan siya sa kanyang TV show sa EuroTV na Real Talk with Mystica. Sana panoorin ito ng lahat ng kanyang fans kasi maganda ang show, very entertaining,” pagbibida pa ni Dovie sa talk show ni Mystica, na napapanood every Monday, 7:00 pm sa EuroTV Philippines.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …