Time flies so fast at naka-one season na ang “World Class Kababayan” sa GMA News TV na hosted ni Ms. Marissa del Mar with her talented and pretty daughter na co-host niya na si Princess Adriano.
Nagsimulang umere noong July 27 this year ang nasabing Public Service program na napapanood sa GMA News TV tuwing Sabado from 5:30 to 6:30 pm at mas malawak ang viewership nito ngayon at mas maraming OFW ang natutulungan ni Marissa gayondin ang mga successful nating kababayan roon na kanilang ipine-feature kasama ng kanilang guest na Kapuso star every episode.
At ‘yung pagiging talk show host ngayon ni Marissa ay sariling diskarte niya kung bakit siya kilala ng marami sa field na ito na kaliwa’t kanang parangal na ang tinanggap. Noong makita niya nauuso na ang bold films at nakagawa naman ng matitinong pelikula (local and international) na ang isa sa nakatambal niya ay si Sen. Lito Lapid ay nag-aral siya at kumuha ng business management.
Kaya aside sa pagho-host ng kanyang programa ay certified entrepreneur rin ang former actress at siya ang Ambassador ng Chanti Gem na inilunsad kamakailan at kabilang sina Marissa at Princess sa mga rumampa sa stage kasama ng ilang modelo.
Ang Chanti Gem na makabibili kayo ng mga stylish jewellery ay located sa bagong bukas na Ayala Mall sa Manila Bay. Ilan sa mga namataan sa okasyon ang former veteran Talk show host na si Johnny Litton at ilang socialite.
Nag-celebrate pala kamakailan ng kanyang kaarawan si Marissa at naghandog siya ng Medical Mission sa Laurel Batangas with Mayor Amo sa pakikipagtulungan ng Chinese General Hospital ni Mr. James G. Dy na very close sa TV host.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma