Simula noong October 21, may bagong venue na ang “Juan For All, All For Juan” at ito ay nasa Barangay APT na. At bilang pasasalamat ng Eat Bulaga sa mga studio audience na walang sawang sumusuporta sa programa ay sila naman ngayon ang bibigyan ng pagkakataon para magwagi nang limpak limpak na papremyo kasama ng malaking cash prize.
Kung sino ang mabubunot na pangalan ni Bossing Vic Sotto mula APT Studio ay siya ang mapalad na daily winner at sasamahan siya ng Dabarkads sa kanilang lugar at doon ibibigay ang lahat ng premyong puwede niyang mapanalunan.
Siguradong mami-miss ang Juan For All, sa mga barangay pero hindi rin maikakaila na nagmarka sa kanila ang Sugod Bahay sa Barangay na malaki ang naitulong sa kani-kanilang buhay.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma