Saturday , November 16 2024

Sen. Nene Pimentel pumanaw, 85 (Ama ng local gov’t code at federalismo)

PUMANAW sa edad 85 anyos si dating Sena­dor Aquilino “Nene” Pimen­tel Jr.

Ang pagpanaw ng dating senador ay kinom­pirma ng kaniyang anak na si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III.

Ayon kay Sen. Koko, 5:00 am nitong Linggo, 20 Oktubre, pumanaw ang kaniyang ama dahil sa komplikasyon ng lym­phoma, isang uri ng cancer.

Si Senator Nene ay nanilbihan bilang Senador ng bansa noong 1987 hang­gang 1992 at mula 1998 hanggang 2010.

Founder siya ng Partido Demokratiko Pili­pi­no (PDP), nagusulong ng federalismo, at tinaguriang “Father of the Local Government Code.”

Kaugnay nito, nabatid na ibuburol sa tatlong lokasyon ang yumaong senador.

Inianunsiyo ni Sen. Koko, unang dadalhin ang labi ng kaniyang ama sa Heritage Memorial Park sa Taguig City mula 21 hanggang 22 Oktubre. Uumpisahan ang burol sa pamamagitan ng isang misa dakong 7:00 pm.

Ililipat sa Senado sa Pasay City ang labi ni Pimentel sa Miyerkoles ng umaga, 23 Oktubre.

Bandang Miyerkoles ng hapon, ililipad sa Cagayan de Oro City hall at ilalagak doon hanggang Biyernes ng umaga, 25 Oktubre.

Ibabalik ang labi ng senador sa Heritage Memorial Park sa Taguig City sa Biyernes ng hapon.

Wala pang inilalabas na detalye si Koko sa libing ng kaniyang ama.

Nagluluksa ang mga Senador sa pagpanaw ni   ”Nene” Pimentel.

Sinabi ni incumbent Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nalungkot siya at ang kaniyang pamilya sa balitang pagpanaw ni Pimentel at tila nawalan umano sila ng “close relative.”

Ani Sotto, siya ang majority leader noon ni Pimentel at malapit sila sa isa’t isa, idolo rin umano niya ang dating Senate President.

Sa panig ni Senadora Grace Poe, si Pimentel ay isang maprinsipyong leader.

“Senator Nene always kept watch and put himself on the line for the sake of the Filipino people,” pahayag ni Poe.

“Our heartfelt prayers are with his family.”

                                    (CYNTHIA MARTIN)

Palasyo nakiramay sa pagdadalamhati at pagluluksa ng sambayanan

NAKIKIISA ang Palasyo sa pagluluksa ng sambayanang Filipino sa pagpanaw kahapon ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel, Jr., at nagpaabot ng pakikiramay sa kanyang mga naulila.

“Today is a sad day for the nation. The Palace joins the Filipino people in mourning the demise of former Senate President Aquilino Pimentel, Jr., and expressing condolences to his family, loved ones, colleagues and friends,” ayon sa kalatas ni PresidentialSpokesman Salvador Panelo.

Nagpapasalamat aniya ang mga Pinoy sa mahaba, matapang, at may prinsipyong track record ng setbisyo publiko ni Pimentel.

Habambuhay aniyang nakaukit sa kasaysayan ang mga ginawa ni Pimentel para sa pagsusulong ng demokrasya at electoral reform at matatag na pamamahalang lokal.

“As the acknowledged Father of the Local Government Code, former Senator Pimentel gave his wisdom and lent his voice to the need to empower local governments.,” ani Panelo.

Nagpapasalamat aniya ang administrasyong Duterte sa pagpayag ni Pimentel na maging isa sa mga miyembro ng Consultative Committee na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magre­repaso sa 1987 Constitution at magbalangkas ng bago upang magbigay-daan sa federal form of government.

“As we pay tribute and honor to this respected and courageous statesman, we fervently pray for the Almighty to grant Senator Nene eternal repose. May the perpetual light shine upon him,” dagdag ni Panelo. (ROSE NOVENARIO)

Kamara nalungkot sa pagpanaw ni Sen. Nene

ANG mga miyembro ng 18th Congress sa pamumuno ni House Speaker Alan Peter Cayetano ay nagpahayag ng pagkalungkot sa pagpanaw ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel, Jr.

“We, members of the 18th Congress are deeply saddened by the demise of former Senate President Aquilino “Nene” Pimentel, Jr.,” ani Cayetano.

“He was a Filipino statesman popularly known as  Father of the Local Government Code and stalwart advocate for Federalism,” aniya.

Para kay Deputy Speaker Mujiv Hataman, isang magaling n mambabatas si Pimentel.

“Ikinalulungkot ko ang pagpanaw ng isang magaling na mambabatas at hinahangaang stateman ng ating bansa,” ani Hataman.

“He is truly a great Mindanaoan and a good mentor to us all. He is known as the Father of the Local Government, though he did far more than that for our country. He is a passionate believer in the Philippines and its people, and he gave so much for us and our welfare. Sen. Nene, with all the legacies he leaves behind, belongs up there in the rolls of this country’s heroes,” ayon kay Hataman.

Kasama nina Cayetano at Hata­man sa pakiki­ra­may sina Quezon City Rep. Alfred Vargas, si 1 Pac­man Party-list Rep. Mikee Romero, at si House Majority leader Martin Ro­mualdez.

(GERRY BALDO)

About Cynthia Martin

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *