BIBIDA pa si Senator Manny Pacquiao sa isang international movie.
Ang pelikula ay ipo-produce ng Inspire Studios — pinamagatang “Freedom Fighters.”
Hango sa librong “Guerilla Wife,” isang memoir na isinulat ng World War II survivor na si Louise Reid Spencer.
Tungkol ito sa isang grupo ng mga sundalong Amerikano na nanirahan sa Filipinas noong panahon ng hapon para tulungan ang mga rebelde sa pangunguna ng isang Colonel Peralta.
Ang papael Colonel Peralta ang nakatakdang gampanan ni Pacquiao.
Ayon kay Inspire Studio CEO Francis Ho, magsisimula ang shooting sa susunod na taon at tatampukan din ito ng ilang Hollywood stars. (CYNTHIA MARTIN)