Tuesday , April 29 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica seryoso laban sa ahensiyang tiwali

AYON kay Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica, gagawin nila ang pagsasampa ng kaso sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan na dawit sa red tape, linggo-linggo.

Napakainam na pahayag ‘yan DG Belgica. Parang kumukuti-kutitap na pag-asa ‘yan sa sambayanang Filipino.

Mayroon lang pong suhestiyon ang mga kabulabog natin na unahin ninyong sampolan dahil hanggang sa kasalukuyan ay talagang masasabi nating usad ang paggalaw ng papeles sa mga ahensiyang ating babanggitin.

Una po, ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB). Puwede po bang pakibusisi ang kanilang hepe na si Atty. Martin Delgra III kung bakit hanggang ngayon ay santambak at pagkahaba-haba ng pila sa ahensiyang ‘yan?!

Santambak na nga at pagkahaba-haba pa ng pila, pabalik-balik pa ang mga kababayan natin na nag-aayos ng kanilang mga papeles para sa kanilang mga sasakyan  gaya ng PUV, PUB at private car for TNVS na inaasahan nilang makatutulongs a kanilang kabuhayan.

Hindi naman lingid kay Delgra na ang mga sasakyang ‘yan ay ginagamit sa paghanapbuhay ng mga operator at inaasahan nilang makatutu­long sa kanilang pamilya.

Pero dahil sa makupad na pag-aaproba ng LTFRB sa kanilang mga transaksiyon, labis-labis na pagkabalam at kahirapan ang kanilang nararanasan.

DG Belgica, pakiusap lang po, unahin na ninyo si Delgra!

Ang Food and Drugs Administration (FDA) na wala yatang ginawa kundi pahirapan ang ating inventors at scientists na nakatutulong sa kalusugan ng mahihirap nating kababayan.

Napatalsik na ang dating director nito na malakas mangikil pero hanggang ngayon, pahirap pa rin sila sa ating mga kababayang imbentor at scientists.

Sampolan na rin ‘yan!

Ang Land Registration Administration (LRA) na kahit hindi pa nasusunog ‘yan ‘e talagang makupad nang magproseso ng mga dokumento. Pero kapag land grabber mabilis pa sa alas-kuwatro kung kanilang serbisyohan.

Isunod na rin ninyo ‘yan DG Belgica.

Kapag nasampolan na ninyo ‘yang LTFRB, FDA at LRA, malamang madali na ‘yung mga susunod pa.

Go go go Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

AKSYON AGADni Almar Danguilan TABLADO kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee …

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *