Friday , December 27 2024

Ateneo students nagprotesta sa kawalan ng aksiyon vs ‘sexual predators’

KUNG ang ibang youth and student organizations sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad ay nagpoprotesta laban sa pagtaas ng tuition fees, malupit na hazing, at iba pang isyung panlipunan, ang mga estudynate sa Ateneo de Manila University (AdMU) ay nagpoprotesta ngayon dahil sa ‘kakaibang kalibugan’ (pasintabi po sa termino) ng mga inirereklamong professor.

Pero ang higit na ikinapupuyos ng loob ng mga estudyante, ang kawalan ng aksiyon ng administrasyon ng unibersidad laban sa mga inirereklamong professor.

Ang nangyayari tuloy, para silang nasa isang kagubatan bilang prey, at ang mga inirereklamong professor ay predators.

Pero ang higit na nakalulungkot at nakapanghihilakbot dito, nangyayari ito sa isang unibersidad na pinagkakatiwaalan ng maraming magulang at umaasang ang kanilang mga anak ay mahuhubog hindi lamang bilang mabuti, mahusay, matalino, may puso, at maka-Diyos na mamamayan kundi lider ng isang bansa.

Pero heto ngayon at nabibiktima ng mga ‘tagapagturo’ na parang leon o tigre na takam na takam sa kanilang mga kabataang estudyante.

Lux in Domino sa Latin o Light in the Lord sa English ang motto ng Ateneo.

Ibig sabihin, hindi lamang ang mga estudyante ang iginigiya nila sa tanglaw ng liwanag mula sa Diyos kundi ang lahat ng personnel sa loob ng kanilang komunidad.

Kung mayroong mang naliligaw na mga ‘maninila’ ng mga inosenteng kabataan at tinawag na ang atensiyon ng administrasyon nf unibersidad, bakit nanatili pa rin ang ‘lagim’ at ‘takot’ sa hanay ng kanilang mga estudyante?!

Kasi nga, nandoon pa rin ang mga inirereklamo nilang professor at nagpapatuloy ang pananakot sa kanila na sila’y ibabagsak sa klase.

Kung hindi agad aaksiyonan ng Ateneo ang reklamong ito ng mga estudyante, ito ay mai­daragdag sa ilang kaso ng pambu-bully na minsan nang pumutok sa social media.

Sa kasong ito, hindi lang ito, bullying, hindi lang sexual harassment kundi walang panga­lawang ‘katakawan sa laman’ na nasa loob ng isang unibersidad na pinagkakatiwalaan ng mga magulang na ligtas ang kanilang mga anak.

So, after bullying ng isang estudyanteng nagpakilalang martial arts expert, at mga professor na tinatawag na sexual predators ng mga inosenteng kabataan, what’s next Ateneo?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *