Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ateneo students nagprotesta sa kawalan ng aksiyon vs ‘sexual predators’

KUNG ang ibang youth and student organizations sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad ay nagpoprotesta laban sa pagtaas ng tuition fees, malupit na hazing, at iba pang isyung panlipunan, ang mga estudynate sa Ateneo de Manila University (AdMU) ay nagpoprotesta ngayon dahil sa ‘kakaibang kalibugan’ (pasintabi po sa termino) ng mga inirereklamong professor.

Pero ang higit na ikinapupuyos ng loob ng mga estudyante, ang kawalan ng aksiyon ng administrasyon ng unibersidad laban sa mga inirereklamong professor.

Ang nangyayari tuloy, para silang nasa isang kagubatan bilang prey, at ang mga inirereklamong professor ay predators.

Pero ang higit na nakalulungkot at nakapanghihilakbot dito, nangyayari ito sa isang unibersidad na pinagkakatiwaalan ng maraming magulang at umaasang ang kanilang mga anak ay mahuhubog hindi lamang bilang mabuti, mahusay, matalino, may puso, at maka-Diyos na mamamayan kundi lider ng isang bansa.

Pero heto ngayon at nabibiktima ng mga ‘tagapagturo’ na parang leon o tigre na takam na takam sa kanilang mga kabataang estudyante.

Lux in Domino sa Latin o Light in the Lord sa English ang motto ng Ateneo.

Ibig sabihin, hindi lamang ang mga estudyante ang iginigiya nila sa tanglaw ng liwanag mula sa Diyos kundi ang lahat ng personnel sa loob ng kanilang komunidad.

Kung mayroong mang naliligaw na mga ‘maninila’ ng mga inosenteng kabataan at tinawag na ang atensiyon ng administrasyon nf unibersidad, bakit nanatili pa rin ang ‘lagim’ at ‘takot’ sa hanay ng kanilang mga estudyante?!

Kasi nga, nandoon pa rin ang mga inirereklamo nilang professor at nagpapatuloy ang pananakot sa kanila na sila’y ibabagsak sa klase.

Kung hindi agad aaksiyonan ng Ateneo ang reklamong ito ng mga estudyante, ito ay mai­daragdag sa ilang kaso ng pambu-bully na minsan nang pumutok sa social media.

Sa kasong ito, hindi lang ito, bullying, hindi lang sexual harassment kundi walang panga­lawang ‘katakawan sa laman’ na nasa loob ng isang unibersidad na pinagkakatiwalaan ng mga magulang na ligtas ang kanilang mga anak.

So, after bullying ng isang estudyanteng nagpakilalang martial arts expert, at mga professor na tinatawag na sexual predators ng mga inosenteng kabataan, what’s next Ateneo?!

 

‘POOR’ NA NGA BA
SI SEN. BONG GO?

MEDIA hype gimmick ba ito o masyado lang natin na-overlook si Senator Christopher “Bong” Go dahil lagi siyang tumutulong sa mga nasunugan, namigay ng rubber shoes sa mga batang gustong mag-sports pero walang sapatos, at sa kasasabi ni Pangulong  Rodrigo Duterte na hindi magnanakaw sa gobyerno ang kanyang special assistant dahil ang pamilya niya’y bilyonaryo?!

Aba, marami ang nagulat nang lumabas na si Senator Bong Go ay ikalawa sa pinakamahirap na senador sa bansa.

Bagamat malaki pa ang lamang ng kanyang  P15,508,370 (as of June 30, 2019 sa SALN) sa P7,706,392.45 (as of December 31, 2018) ni Senator Leila de Lima, marami ang hindi makapaniwala na hindi pala siya bilyonaryo gaya ng ipinama­marali ng pangulo.

Hak hak hak!

Mukhang nagoyo raw ni Pangulong Digong ang mga botante sa kanyang endorsement.

Pero sabi naman ni Senator Bong Go, serbisyo ang rason kung bakit siya ibinoto ng tao at hindi ang laman ng kanyang bulsikot.

Mantakin ninyo, mas mayaman pa sa kanya si Senator Bato at Senator Risa Hontiveros?

Pero huwag tayong magulat kay Sen. Bong Go, magulat tayo sa mga bilyonaryong senador na kaya raw tumakbo ay para gumawa ng batas na makatutulong sa mamamayan.

Ang take natin diyan, huwag na kayong gumawa ng batas, kumurot na lang kayo ng barya-barya diyan sa bilyon-bilyon, at milyon-milyon ninyong yaman dahil kahit paano makatutulong pa rin ‘yan sa mga mamamayan.

Sino-sino po sila?

Narito ang listahan:

Senator Cynthia Villar – P3,534,412,797 (as of June 30, 2019);

Senator Manny Pacquiao – P3,005,808,000 (as of December 31, 2018);

Senate President Pro Tempore Ralph Recto – P555,324,479.82 (as of December 31, 2018);

Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri – P182,851,570.34 (as of December 31, 2019);

Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. – P164,203,379.38 (as of June 30, 2019);

Senator Sonny Angara – P139,026,597 (ss of June 30, 2019);

Senate Minority Leader Franklin Drilon – P97,726,758 (as of Dec. 31, 2018);

Senator Sherwin Gatchalian – P96,210,607.14 (as of Dec. 31, 2018);

Senator Grace Poe – P95,693,450.37 (as of June 30, 2019);

Senator Pia Cayetano – P82,308,227.36 (as of July 1, 2019);

Senator Richard Gordon – P71,285,178.56 (as of December 31, 2018);

Senator Vicente “Tito” Sotto III – P70,120,700.30 (as of Dec. 31, 2018);

Senator Lito Lapid – P69,910,000 (as of June 30, 2019);

Senator Francis Tolentino – P62,482,000 (as of June 30, 2019);

Senator Nancy Binay – P59,911,019 (as of June 30, 2019);

Senator Panfilo Lacson – P42,442,341 (as of Dec. 31, 2018);

Senator Imee Marcos – P29,970,467 (as of June 30, 2019);

Senator Aquilino Pimentel III – P29,934,635 (as of June 30, 2019);

Senator Ronald “Bato” Dela Rosa – P28,258,908 (as of June 30, 2019);

Senator Joel Villanueva – P26,921,555 (as of Dec. 31, 2018);

Sen. Francis Pangilinan – P16,695,048.17 (as of Dec. 31, 2018);

Senator Risa Hontiveros – P15,627,176.04 (as of Dec. 31, 2018);

Senator Christopher “Bong” Go – P15,508,370.82 (as of June 30, 2019);

at Senator Leila de Lima – P7,706,392.45 (as of December 31, 2018).

Mga suki, sila ang ating mga ‘kagalang-galang’ na senador, bow.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *