POSIBLENG mawalan ng trabaho ang mahigit 7,100 nurses sa mga pampublikong ospital at health centers sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto dahil sa napipintong tapyas na higit P9.3 bilyon sa 2020 budget ng Department of Health.
Aniya, kabilang sa higit na maaapektohan ang isinusulong na ‘budget cut’ ng Human Resource for Health Deployment Program ng kagawaran.
Magbubunga rin ito ng kabawasang 202 dentista at medical technologists.
Banggit ni Recto, sa kabuuan, maaaring mawalan ng trabaho ang halos 11,000 health personnel na nasa ilalim ng nabanggit na programa.
(CYNTHIA MARTIN)