Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

MRT/LRT railways & platforms hindi ligtas sa pasahero at tila laging nag-aanyaya ng kamatayan

ILANG beses na bang nagkaaberya ang railways system sa bansa gaya ng LRT at MRT dahil may tumalon, naipit, hindi nagsara ang pinto at kung ano-ano pang aberya na nakababalam sa pagtakbo ng nasabing transport system?!

Hindi naman natin masasabing hindi well-travelled ang mga namumuno riyan sa transportation department natin kaya masasabi nating alam nila kung ano ang itsura ng mga railways system sa Hong Kong, sa Japan, at sa Singapore para tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero.

Sa Hong Kong, may glass door at glass panel sa buong platform para walang pagkakaton na mapunta ang mga pasahero sa railways kundi sa loob lamang ng coach.

Ang kaligtasan ng pasahero ay katumbas din ng mabilis na biyahe at maayos na mass transportation system, e bakit hindi kayang gawin dito sa atin?!

Paulit-ulit na nangyayari, pero ayaw solusyonan nang maayos.

Gaya kahapon, isang ‘vagrant’ ang bigla na lamang nag-landing sa railways ng MRT sa pagitan ng Buendia at Ayala stations kaya hayun nabalam nang dalawang oras at kalahati ang biyahe.

Prehuwisyo na naman sa mga pasahero at sa buong sistema ng mass transportation system.

Hindi naiisip ng mga opisyal ng tran­spor­tation department na ang trapiko ng mga sasak­yan sa kalsada ay parang isang kadena?!

Isang road mishap lang, tiyak na maaa­pektohan ang major thoroughfares.

Sabi nga sa kasabihan na ipinamana sa atin, “Ang sakit ng kalingkingan ay dama ng buong katawan.”  

Sana lang ay laging nasa isip ‘yan ng mga transportation official  nang sa gayon ay hindi nasasayang ang taxpayers’ money.

‘Yun lang po.

 

MANAY SANDRA CAM
SERYOSONG NAGHAIN
NG LIBEL CASE
VS MRS YUZON et al

MUKHANG ang paghahain ng kasong libel ni PCSO director Sandra Cam ay babala maging sa kanyang bashers at umano’y detractors.

Kaya agad sinampolan ng libel ang misis ng pinaslang na Batuan, Masbate vice mayor Charlie Yuzon III at mga media entity na aniya’y nagbanggit sa kanyang pangalan at iniugnay sa insidente.

Anyway, karapatan ng bawat indibiduwal ang pagsasampa ng kasong libel. Pero sa isang gaya ni Manay Sandra, ang hakbanging ito ay masyadong maabala.             

Mula sa piskalya kung maiaakyat man sa korte ay magkakaroon pa muna ng raffle kung saang branch babagsak.

At kapag nagkaroon na ng hearing, siya ang unang mako-cross examine. Kumbaga mabubu­yayangyang ang kanyang privacy depende sa husay at expertise ng prosecution at defense.

At bukod sa gastos, malaking abala pa.

Anyway, it’s Manay Sandra’s rights and her choice, so be it.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *