Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead

Obrero patay sa bugbog ng katrabaho

PATAY ang isang 42-anyos construction worker makaraang  bugbugin ng katrabaho mata­pos ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Ospital ng Malabon (OsMa) ang biktimang kinilalang si Danny Tumulag, tubong Purok Tubod, San Jose, Dipolog City, sanhi ng grabeng bugbog mula sa mga kasamahang kapwa stay-in.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao ang mga suspek na sina Jericho Baisa, 18 anyos, tubong Meycauayan, Bulacan, at Norwen Magboo, 19 anyos, tubong Rosario, Batangas, kapwa naaresto ng mga nagrespondeng pulis sa follow-up operation.

Sa pahayag ng saksing si Danjin Almodovar, 16 anyos,  sa mga  imbestigador na sina P/Cpl. Joenel Claro, at P/Cpl. Michael Oben, dakong 6:25 pm nang maganap ang pambubugbog sa biktima sa loob ng pinagtatrabahuan sa  #7 Allan St. Gabriel Subd., Brgy. Hulong Duhat.

Nauna rito, masayang nag-iinuman ang biktima at ang mga suspek nang biglang magkaroon ng mainitang pagtatalo sina Tumulag at Baisa.

Para makaiwas sa sakitan, nagtungo ang biktima sa kanyang barracks ngunit sinundan ni Baisa at sinapak sa panga dahilan upang bumagsak sa semento si Tumulag.

Tinangkang awatin ng saksi ang suspek ngunit  pinigilan siya ni Magboo habang patuloy na ginugulpi ni Baisa ang biktima at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas.

Agad isinugod si Tumulag sa naturang paamutan. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …