Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Showdown nina Imelda Papin at LA Santos ng “Isang Linggong Pag-ibig” isa sa highlights ng Queen@45 anniv concert sa Philippine Arena

KAHIT na narating na ni Vice Governor Imelda Papin ang tugatog ng tagumpay sa kanyang singing career at ngayo’y isa nang Vice Governor sa Camarines Sur ay never siyang nakalimot sa entertainment press especially sa mga matagal nang close sa kanya.

Kaya naman sa ipinatawag nilang mediacon ni Madam Flor Santos ng Dream Wings Production sa MESA Resto na pag-aari ni Madam Flor ay walang katapusan ang pasasalamat ni Imelda sa mga dumalo sa kanyang presscon. Utang na loob raw niya ang kasikatan niya sa press at sa dating manager na si Junne Quintana na tinawag pa niya sa presidential table para mag-join sa kanila.

Well, bibihira ang katulad ni VG Mel na marunong magpahalaga sa press kaya kita naman ninyo ang staying power ng kanyang career, at umabot na siya nang 45 years sa industry. At bilang selebrasyon sa apat na dekada at limang taon sa showbiz, at pasasalamat na rin sa lahat ng kanyang mga tagahanga ay may anniversary concert si Imelda na “Queen@40” sa Philippine Arena at sobrang dami ng kanyang special guests rito na lahat ay sumikat sa mundo ng recording. Magpe-perform rin si Mel ka­sa­ma ang mga ka­patid na sina Gloria Belen at Aileen Papin at may duet sila rito ng unica ija niyang si Maffi Papin.

Siyempre hindi kompleto ang concert kung wala ang dalawa sa kontemporanyo ng singer-politician na sina Claire dela Fuente at Eva Eugenio at ngayon pa lang ay excited na ang lahat sa kakantahin ng tatlo mula sa kanilang mga pumatok na kanta na naging paborito ng nakararami.

We heard na isa raw sa highlight ng concert ang showdown nina Imelda at anak-anakan niyang Singing Idol recording artist na si LA Santos para sa “Isang Linggong Pag-ibig” na binigyan ni LA ng millennial touch. Nang tanungin namin si LA tungkol sa showdown nilang ito ng kanyang Tita Imelda, ay mayroon daw talaga silang number pero surprise daw ito at abangan na lang ng concertgoers.

Sobrang love nina Imelda at Eva itong si LA, paano napakabait at humble raw ang bata at very professional. At good news, as of presstime ay halos sold out na ang tickets para sa malaking concert ni Imelda ngayong taon.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …