POSIBLENG sampahan ng kaso ang mga ninja cops o mga pulis na sangkot sa drug recycling.
Ayon kay Senator Richard Gordon, tapos na ang report at handa nang isumite ng Senate blue ribbon committee ang imbestigasyon ukol sa ninja cops.
“Tapos na ako, ginagawa na namin ‘yung report [I’m done, we are now doing the report], as we speak…Kasi sa dami ng hearing namin, titingnan namin kung saan kami nagkulang, saan kami sumobra [Because we have conducted a lot of hearing, we will look into where we lacked and where we had too much],” ani Gordon.
Sa ngayon aniya ay suspendido muna ang imbestigasyon ukol sa naturang isyu dahil mayroon pa silang mga kakausapin gaya ng Korean na si Johnson Lee na sinasabing drug trafficker na naaresto sa kuwestiyonableng drug raid sa Pampanga noong 2013.
Kukunin ng komite ang mga sports utility vehicle na umano’y napunta sa mga pulis na nag-operate sa Pampanga operation kabilang ang noo’y provincial director na si PNP chief Oscar Albayalde.
“Because may lalabas pa e. ‘Yung report ng Korean, lalabas ‘yun. Kausapin natin, baka magturo ‘yun e. Tapos ‘yung mga kotse, ‘pag nakuha natin ‘yung listahan, it will just reinforce the case,” dagdag ng senador.
Dahil dito posibleng sampahan ng kaso si Albayalde dahil sa pagkakadawit nito sa ninja cops.
ni CYNTHIA MARTIN