Friday , April 25 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

May kaanak sa gobyerno dapat bawal sa party-list

HETO ang matagal na nating hinihintay.

Ang tuluyang ipagbawal ang pagtakbo bilang party-list representative ng mga may kamag-anak nang nakaupo sa gobyerno gaya ng alkalde, regular congressman, at senador.

Sa panukala nga ni Senator Leila de Lima, pati kamag-anak ng presidente at bise presidente ay dapat ipagbawal sa party-list.

Lumalabas kasi na ang party-list system ay naging instrument para pagtibayin ang political dynasty sa mga bayan at lungsod.

Hindi ba’t mayroong pamilya na may senador, congressman, mayor, tapos may party-list representative pa?!

Wattafak!

‘Yung buong political dynasty ay buong-buong na sa isang bayan o lungsod bigla pang naka­tata­wid sa kabilang bayan through inter-marriages.

Anak naman talaga ng sandamakmak na political dynasty na ‘yan, oo!

Bukod diyan, nais din ni Comelec Commis­sioner Rowena Guanzon, na magpasa ng kanilang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ang mga party-list nominees kasi nga kung hindi sila ginagastusan ng mga negosyante, e sila mismo ang mga negosyante.

Kapag nakapuwesto na, magugulat na lang tayo, sila na ang may-ari ng water companies, malalaking subdibisyon, malalaking buildings, malalaking transportasyon, malalaking malls — kulang na lang pati hangin ariin na ng mga hidhid.

Talagang wala silang pagtingin sa mahihirap kasi nga ultimo ‘yung party-list system na para sa marginalized sector, sabi nga ni Commissioner Guanzo ay na-bastardized na ng mga politiko.

Asus!

Ano nga ang sabi ng constituents? May bulsanueva na, may pakyawan pa.

Tapos makaririnig ng bagong apelyido sa mga kandidato, kamukat-mukat natin ‘e, nag-asawa lang pala kaya naiba ang apelyido.

Hoy mga trapo, moderate your greed naman!

 

Bawal nang magmisa
FERNANDO SUAREZ
BAN SA MINDANAO?

HINAHABOL ng kontrobersiya si Fr. Fernando Suarez.

Si Fr. Suarez ang pari na kilala sa kanyang healing ministry.

Pinakahuling kontrobersiya na kanyang kinasangkutan ang pagsasauli ng lupang donasyon ng San Miguel Corporation (SMC) sa  Alfonso, Cavite, dahil hindi naitayo ang rebultong Monte Maria sa takdang panahon.

Ito ay sa ilalim ng Mary Mother of the Poor Foundation (MMPF) na pinamumunuan ni Suarez.

Kamakailan, pinagbawalan siya ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa Mindanao na makapagsagawa ng misa (healing mass) at pinahihingi muna ng “celebret” sa Obispong nakasasakop sa kanya bago makapagsagawa ng misa at healing mass na naaayon sa batas ng simbahan.

Hindi natin maikakaila na maraming naniniwala kay Fr. Suarez na siya ay naka­gagaling. Pero lagi’t lagi na siya’y nasasabit sa kontrobersiya kaugnay ng mga proyekto at pondo ng mga organisasyon na kabilang siya sa instrumento kaya naitatayo.

Panahon na para maglabas ng opisyal na pahayag ang CBCP kaugnay ng mga kontro­bersiyang kanyang kinasasangkutan. Nang sa gayon ay maging malinaw para sa lahat lalo sa mga naniniwala sa kanya.

Kung hindi naman ito totoo, dapat sigurong suportahan ng simbahang Katolika si Fr. Suarez. Nang sa gayon ay maitaguyod naman ang biyayang ipinagkaloob sa kanya — gaya ng kakayahang makapagpagaling.

Sa totoo lang, simbahan lang din ang maka­pagsasabi kung ano ba ang katatayuan ni Fr. Suarez sa kasalukuyan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *