Monday , December 23 2024

Alden, ‘di epektibong bulag; Starla, ipinalilipat sa mas maagang timeslot

MARAMI kaming nabasang  nagpo-protesta ang ilang viewers ng Starla na ilipat sa mas maagang timeslot o pagpalitin sila ng FPJ’s Ang Probinsyano. Late na nga naman para sa mga anak nila ang 9:00 p.m. dahil may pasok pa kinabukasan ang mga mag-aaral.  Gayundin para sa mga nag-o-opisina na gigising pa ng madaling araw para hindi abutan ng traffic crisis.

Sa ganang amin, mukhang malabong pagpalitin ang timeslot ng dalawang programa ng ABS-CBN dahil pareho namang pambata ang target audience.  Nataon lang na naiba ang takbo ng kuwento ngayon ng aksiyon serye ni Coco Martin dahil umiikot ito kung paano masusukol ang sindikato sa pamumuno nina John Arcilla at Gardo Versoza.

Going back to Starla ni Judy Ann Santos ay hindi naman apektado ang ratings nito kaya paano ililipat dahil simula nang umere ito ay ni minsan hindi natalo ng katapat na programang, The Gift ni Alden Richards.

Base sa national TV ratings (urban + rural) ng Kantar Media, naka-29.2% ang pilot episode nito noong Oktubre 7 at naka -14.5% lang ang The Gift.

Nitong Martes, Oktubre 8 ay hindi nagbago ang ratings ng Starla na 29.2% at bumaba naman ng point 1 ang The Gift na nagtala ng 14.4%.

Consistent sa 29.2% ang Starla ng Miyerkoles, Oktubre 9 at bumawi naman sa 14.6% ang The Gift, pero talo pa rin sa national TV ratings.

Umabot na sa 29.8% ang Starla noong Huwebes, Oktubre 10 samantalang bumaba ang The Gift sa 14.0%.

Sa madaling salita, kahit na nabulag na ang bida ng The Gift na inaasahang makakukuha siya ng simpatiya ay tila hindi pa rin dahil base sa napanood naming episode ay parang hindi pa rin bulag si Alden dahil ang likot-likot ng mata niya, at kapag tinatawag siya ay lumilingon siya kung nasaan ang boses na hindi dapat dahil ang bulag ay limitado lang ang galaw at hindi rin malikot ang mga mata.

Payo namin kay Alden, mag-immerse siya para alam niya kung ano ang tamang kilos ng ginagampanang karakter.

Going back to Starla kahit na kontrabida si Judy Ann sa kuwento ay marami pa ring nag-aabang sa kanya lalo’t magkaka-enkuwentro na sila ng batang alitaptap.

Ang Starla ay handog ng Dreamscape Entertainment at napapanood ito sa ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *