Unang appearance ng fast recording artist na si Migz Coloma ang Grandparents Day sa Riverbanks Center Mall sa Marikina. Thankful si Migz sa magandang experience na napasaya niya ang mga dumalong Lola at Lolo na kanyang hinaharana specially ang kanyang Lola Emma, na talagang pinuntahan pa ng singer sa kinauupuan nito para kantahan.
At sobrang saya at proud ni Lola Emma sa apo (Migz) na first time niyang napanood na nagpe-perform. “Malapit po ako sa Lola ko, Tito Peter kaya may soft spot sa puso ko ang mga elders. And sobrang saya po ng experience na ma-serenade sila sa ganitong okasyon. Masaya ako at lahat ng number ko ay nagustuhan nila at para sa kanila talaga ito.
“Gusto ko pong magpasalamat sa nag-invite sa akin sa event na ito na si Sir Josephus Ople-Canabuan, I hope ma-invite po nila uli ako sa mga susunod pa nilang events,” sey ni Migz.
Kasalukuyang busy sa promotion ng kanyang carrier single na “Kayo Na Naman Bang Dalawa,” na isa sa kinakanta niya sa nasabing mall guesting kasama ng kanyang back-up dancers na sina Jhaneena at Grace. Nais rin magpa-thank you ni Migz sa kanyang stylist/make-up artist at nag-provide ng kanyang outfit na si Raymundo Tabunda, Maurice Oftana (dance choreographer), Doc Kenneth Guy Q. Salvatus-(voice coach).
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma