Tuesday , April 29 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Isko galit na! GSM (galing sa magnanakaw) bawal na sa mall

ISA tayo sa mga natutuwa sa hakbang na ito ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso — ang mahigpit na pagbabawal sa pagbebenta ng GSM.

GSM as in “galing sa magnanakaw” na cellphones.

Lalo na nang mabisto niyang mukhang ang mga bumibili ng nakaw sa Aranque ay napunta na riyan sa Isetann Recto.

Hindi pa natin nalilimutan ang mga insidente ng mga kabataang estudyante na hinoldap o inagawan ng cellphone pero mahigpit na tumutol kaya nagbuwis ng buhay sa kamay ng mga magnanakaw.

Sana nga ay tuluyan nang ‘mawalis’ ang mga bumibili ng GSM. Kaya nagkakalakas ng loob ang mga magnanakaw na ‘yan kasi nga mayroong bumibili ng mga ninakaw nila at ibinebenta na kunwari ay second hand.

Pero sa totoo lang Yorme, hindi lang naman cellphone ang GSM.

Nariyan pa rin ang mga motorsiklong ninakaw, alahas na sinikwat, DSLR na camera, mga piyesa ng sasakyan, at kahit carnap na kotse.

Mas malalaking items ‘yan. Kulangot lang diyan ang mga cellphone na GSM na anytime ay puwede pang ipa-block ng may-ari.

‘Yun pong mga binabanggit  natin na mas malalaking magnanakaw, kadalasan ay protek­tado ng mga awtoridad.

May mga kaso nga na ‘yung nakaw na motorsiklo sa estasyon pa ng pulisya natagpuan.

Kaya siguro dapat, hindi lang GSM na cellphone ang target.

Lahat ng items na GSM (galing sa mag­nanakaw) dapat nang ipagbawal at sudsurin kung sino ang mga utak sa likod niyan.

Maliit na tip lang po ‘yan, Yorme. Kapag sinudsod n’yo ‘yan mas marami pa kayong  mabubuking.

‘Yun lang po!

 

ELEVATORS
SA MAKATI CITY HALL
DRAWING LANG?!

SA kabuuan ay mayroon tayong nakikitang pitong yunit ng elevator sa Makati City hall.

Pero lagi tayong nagtataka kung bakit laging mahaba ang pila sa elevator area.

E kasi naman po, sa pitong yunit ng elevator, tatlo lang pala ang gumagana.

Mantakin naman ninyo, mayroong project na underground subway pero ‘yung pitong elevator hindi mapagana nang sabay-sabay?!

Pero siyempre, hindi naman lahat nahihi­rapan sa elevator ng Makati City. Mayroong isang yunit para lamang sa pribelihiyado — gaya ng mga hepe ng bawat departamento, gaya ng BPLO at iba pa.

Puwede naman isingit ang mga senior citizens at PWDs, pero ganoon pa rin, maghi­hintay nang matagal kasi nga tatlong yunit lang ang gumaganag elevator.

Mayor Abby Binay, Madam, iniuulat kaya sa inyong tanggapan na tatlong yunit lang ang gumaganang elevator diyan sa Makati City Hall?!

Aba’y baka hindi pa ninyo alam ‘yan, pakibusisi na nga.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

AKSYON AGADni Almar Danguilan TABLADO kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee …

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *