Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Driver/mekaniko ng Montero todas sa tandem

PATAY ang isang driver/mekaniko nang harangin ang dala-dala niyang Montero SUV at pagba­barilin ng riding-in-tandem sa Quezon City, nitong Martes ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay QCPD Director, P/Col. Ronnie Montejo, ang biktima ay kinilalang si John Carl Tulabot Basa, 21 anyos, may live-in partner,  tubong Marilao Bulacan, kasalukuyang naninirahan sa Blk 27 Lot 48, Northville 2, Bignay, Valenzuela City.

Sa imbestigasyon ng Laloma Police Station, dakong 8:30 am kahapon, 8 Oktubre, nang maganap ang pamamaril sa kanto ng Sgt. Rivera Ave., at Ragang St., Brgy Man­resa, QC..

Ayon sa saksing si Julius Labastida Kho, 21, hinarang ng riding-in-tandem ang kulay pulang Montero Sport, may plakang NNO 252, at pinaulanan ng bala ng baril sa nasabing lugar.

Nang makitang dugu­ang nakabulagta ang target, agad tumakas ang mga suspek na naka-facemask at half face helmet sakay ng getaway motorcycle na hindi naplakahan.

Naisugod pa sa Chinese General Hospital ang biktima ngunit ma­ka­lipas ang ilang oras ay binawian din ng buhay dahil sa maraming tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa katawan, ayon kay Dr. Vic Maceda.

Patuloy ang isinaga­wang pagsisiysat ng pulisya sa pangyayari upang malaman ang tunay na motibo. Inaalam din ng pulisya kung pinagkamalan lang ang mekaniko. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …