KAABANG-ABANG ang mangyayaring development sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa “ninja cops” o mga pulis na sangkot sa recycling ng ilegal na droga.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, mayroon umanong pasabog na mangyayari sa Senate hearing ngayong araw ng Miyerkoles.
“I don’t know if I’m at liberty to tell you… that is really something explosive again,” wika ni Sotto.
Sinabi ni Sotto, mayroong mga bagong ebidensiya at mga bagong testigo na ihaharap ngayong araw dahil mayroon siyang nilagdaang siyam na subpoena kamakalawa ng gabi.
“I think there will be new evidences and one or two witnesses. New evidences for sure because I signed about nine subpoenas last night,” sabi ni Sotto.
Ngayong araw nakatakdang ituloy ang joint hearing ng Senate blue ribbon at justice committee hinggil sa isyu ng ‘ninja cops’ na nagre-recycle umano ng mga drogang nasasabat sa drug operations.
Nagsimula ang imbestigasyon ng Senado sa maagang pagpapalaya sa heinous crime convicts dahil sa good conduct time allowance na ibinibigay umano ng mga tiwaling opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).
(CYNTHIA MARTIN)