Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

42-anyos ginang hubo’t hubad na tinadtad ng saksak ng kapitbahay

NAKAHUBAD at puno ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang ginang nang matag­puan sa loob ng kaniyang bahay sa Caloocan City, nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Noel Flores, dakong 7:30 pm nang madiskubre ang walang buhay at hubad na katawan ni Florinda De Villion, 42 anyos, ng kan­yang amang si Benjamin, na naliligo sa sariling dugo sa loob ng kanyang bahay sa #107 Laon-Laan St., Brgy. 31 matapos ihatid ang kanyang apo sa bahay ng kanyang nanay.

Nabatid na mag-isa ang biktima sa kanilang bahay nang maganap ang insidente dahil pumasok sa trabaho ang kanyang live-in partner na si Abe Pecayo habang nasa paaralan ang kanilang anak.

Kasunod nito, dakong 2:00 am kahapon, nasa­kote sa follow-up ope­ration sa Libertad St., Pasay City, ng mga tauhan ng Caloocan Police Community Precinct (PCP) 2 sa pangunguna ni P/Capt. Herson Manegdeg si Jay-Ar Malano, kapitbahay ng biktima.

Inamin ng suspek ang krimen ngunit itinangging ginahasa niya ang biktima at ayon sa kanya kalala­bas sa banyo ng ginang at nakatapis ng tuwalya nang pasukin niya sa bahay dakong 10:00 am nitong Lunes.

“Parang nademonyo lang ako, may bumu­bulong kasi sa akin na tuluyan ko na kaya nagawa ko ang krimen,” pahayag ni Malano sa pulisya.

Sa pahayag ni Capt. Manegdeg, narinig umano ng mga kapitbahay na nagkakagulo sa bahay ng biktima at nagmama­kaawa uma­nong huwag siyang patayin ngunit walang nakapansin kung paanong nakapasok at lumabas ng bahay ang suspek.

Isang saksi ang lumu­tang at sinabing nakitang may mga sugat ang kamay ng suspek habang bumibili ng adhesive bandage sa kalapit na tindahan ilang sandali matapos ang kaguluhan sa bahay ng biktima na nagresulta sa pagdakip kay Malano.

Dagdag ng pulisya, malabong pagnanakaw ang motibo sa insidente dahil walang nawala sa mga personal  na gamit at walang sapilitang pagpasok sa  bahay ni De Villion.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang hawakan ng isang kutsilyo pero wala na ang patalim na posi­bleng ginamit sa krimen.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …