Friday , November 15 2024

Kuwentong ninja cops

ANO ang ninja cops at kontrobersiya na kinasasangkutan nila? Sila ba ang mandirigma sa sinaunang Japan na gumagamit ng samurai, shuriken o star knife at iba’t ibang mga gamit na panglaban sa kanilang kaaway?

Isang lumalagapak na hindi! Ninja cops ang ibinansag sa mga pulis na nagre-recycle at ibinebenta muli ang shabu na kanilang nakompiska sa mga lehitimong drug raid. Sa madaling salita, sila ay mga corrupt o tiwaling mga pulis. Kaya pala hindi natatapos ang problema sa droga. Mga bugok!

Sa isang executive session ng Senado ay ibinunyag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, dating hepe ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), ang mga pangalan ng ninja cops.

Masyadong mainit ang isyu at nakatatanggap na nga raw ng death threats si Magalong. Ganu’n pa man, laban na raw ito at wala siyang balak na umatras o tumigil sa kanyang ginagawa.

Si PNP Chief Oscar Albayalde naman ay nagpahayag na pakiramdam niya ay idinadawit o isinasabit siya sa kontrobersiya ng ninja cops.

Pero hindi naman ito nakapagtataka dahil si Albayalde ang hepe ng Pampanga police nang akusahan ni Magalong, hepe noon ng CIDG, ang ilang miyembro nito ng pagre-recycle ng droga.

Bahagi pa nga ng kuwento ni Magalong ay may isang maleta noon na halos hindi maisara dahil sa maraming lamang shabu. Pero mahigit 30 kilo lamang ang idineklarang shabu na nakompiska umano ng ninja cops sa naturang operasyon.

Ganito ang estilo ng ninja cops na ikinakalakal ang nakompiska nilang shabu.

Sa executive session ay sinabi ni Magalong na isang mataas na opisyal ang nagbibigay umano ng proteksiyon sa 22 ninja cops. Dahil dito, ang mga isinampang kaso laban sa kanila ay pawang na-dismiss.

Ayon kay Albayalde, na-dismiss ang mga kaso dahil kulang ang ebidensiya. At higit sa lahat, hindi raw siya kasama o isa sa mga akusado sa naturang kaso.

Pero mga tauhan niya ang mga akusado bilang hepe ng Pampanga. At bilang hepe, para sa maraming tao ay mahirap isipin na hindi alam ni Albayalde ang ginagawa ng kanyang mga tao.

Kung wala naman gitinatago si Albayalde ay humarap siya sa imbestigasyon ng Senado, sagutin ang mga tanong ng senador at linawin ang isyu. Ano ang dapat niyang ikatakot? Gusto ba niyang pagdudahan ng mga tao ang integridad ng PNP Chief?

Isipin na lang na bukod sa mga tiwaling pulis na ibinunyag ni Magalong, tiyak na marami pang ibang ninja cops sa iba’t ibang presinto sa bansa. Panahon na para mapatino ang hanay ng pulisya. Salain ang buong PNP.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *