Saturday , November 23 2024

Ang ‘balyenang’ mangongotong sa Immigration-DTS! (ATTENTION: BI Comm. Jaime Morente)

SINO itong balyena ‘este salot na empleyada ng Bureau of Immigration “Data Trail Section” na nag-aastang prima donna sa visa applicants na kumukuha ng I-Card?

Ibang klase raw ang “arrive” nitong si alyas “Jolens Waley Lenes” na kilala ngayong malakas rumaket sa nasabing immigration section sa BI main office.

Sa mga hindi pamilyar sa Data Trail Section, hindi po ito “legit” na section ng Bureau. Kaya ang mga naka-assign dito ay hao-shiao o contractual din ngunit pinalad na makadiskubre ng malaking ‘biyaya’ sa pamamagitan ng pag-ipit o ‘di kaya ay patagalin ang kinukuhang Identification Card ng mga nag-apply para sa kanilang approved immigration visa.

Aba raketera pala si Dabiana ‘este Madam Jolens Waley Lenes!?

Pati nga raw mismong mga taga-BI Legal Division ay nauubos ang pasensiya sa empleyadang ‘ma-shuba’ dahil ‘sumisingaw’ daw ang oxygen sa katawan!

In short, sobra sa hangin!

Minsan pa raw ay napapansin na nagdadabog pa kapag pinakiusapan!

Talaga lang ha?!

May legal personality ba sa Bureau ang isang ‘yan para magmaldita?

Well, kaya pala tinubuan ng sungay ang isang ‘yan dahil ayon sa balita, ay napadikit daw sa isang certified  lawyer “si-reyna” na kilala bilang immigration expert kuno.

‘Yun raw ang nagsisilbing madrasta ‘este padrina n’ya, ayy!

No wonder hindi malayo na mahawa ng kamalditahan ng ‘si-reyna’ si Jolens Waley Lenes dahil ang kalooban nga niya ay hindi mal-lenes!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *