Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

60-anyos lolang street sweeper, winalis ng wagon 

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang lolang street sweeper nang siya ay ‘walisin’ ng rumaraga­sang wagon sa Brgy. Payatas, Quezon City, nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni P/MSgt. Edgardo Talacay, deputy ng Traffic Sector 5 ng Quezon City Police District (QCPD) ang bik­ti­mang si Marilyn Flora Pareño, 60 anyos, resi­dente ng Sorsogon St., Group 6, Area B, Brgy. Payatas, QC.

Sumuko sa pulisya si Charmaine Balosoto Ybañez, 25 anyos, dalaga, call center agent, nanini­rahan sa Blk. 5 Lot 18, Phase 3A Eastwood Greenview Subd., Brgy San Isidro, Rodriguez, Rizal, at nagmamaneho ng Ford Everest Wagon, may plakang TSI-825.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Leonardo Poli­car­pio, dakong 5:30 am, nitong 7 Oktubre nang maganap ang insidente sa Payatas Road, QC.

Mula sa Litex Road, binabaybay ni Ybañez ang Payatas Road patungo sa Montalban, ngunit bago sumapit sa Leyte St., nahagip si Pareño na noon ay abala sa pagwawalis sa kalsada sa kanto ng Samar St., Brgy. Payatas.

Naisugod sa General Malvar Hospital ang biktima  pero idine­kla­rang dead-on-arrival dahil sa pagkabali ng tuhod at grabeng  pinsala sa ulo at  katawan. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …