Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Starla ni Judy Ann Santos eere na sa October 7 (Fan sa sulit sa waiting)

SA RECENT mediacon ng Starla na ginanap sa Matrix Creation ay dinumog ng tanong si Judy Ann Santos. Maraming press kasi ang nasabik kay Juday na hindi gumawa ng serye sa matagal na panahon, kaya pagkakataon na ng lahat na malaman ang latest sa nagbabalik na Queen of Soap Opera.

Sa kanyang bagong teleserye, bida-con­travida ang character na kanyang gagam­panan. Kuwento ni Juday, ito ang unang pagkakataon niyang gaganap bilang bida-kontrabida sa isang teleserye.

“I’m pretty sure may ibang maninibago, kasi iba talaga siya. And I’m pretty sure na may ma-e-excite rin kasi bago at hindi pa nila ako nakikita sa ganitong klaseng character,” tugon ni Juday sa press sa naganap na media conference ng bagong Kapamilya series nitong Sabado.

Dahil first timer na gaganap na kontrabida, aminado ang actress na kahit siya ay nanibago sa kanyang gagampa­nang papel.

“Kahit ako tinanong ko rin ang sarili ko, kaya ko ba ‘to? Pero masa­ya naman siyang gawin. Kumbaga, nare-reset ‘yung skill mo at talent mo sa pag-arte. Parang kailangan mong bigyan ng konting kabog ang sarili mo e, ano pa ba ang powede mong gawin,” paliwanag ng aktres.

At napakaswerte ni Juday at napapayag si Ma’am Charo Santos-Concio na magkaroon ng special participation sa kanyang teleserye. Ipinaliwanag rin pala ni Juday sa nasabing presscon kung bakit nata­galan ang pagsasaere ng Starla.

Binusisi pa raw kasi nang husto ang istorya nito at natagalan sila sa animation na magpapa-attract sa TV viewers. Makakasama ng actress sa Starla sina Raymart Santiago, Joel Torre, Meryll Soriano, Joem Bascon, Jana Agoncillo, Enzo Pelojero bilang si Buboy at marami pang iba. Ang mga director nito ay sina Onat Diaz Darnel Joy R. Villaflor at Direk Jerome C. Pobocan.

Mapapanood ang much awaited drama TV series mula sa production ng Dreamscape Entertainment ngayong October 7 pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN Primetime Bida.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …