Marami na kaming napanood na barkada movie pero itong Ang Henerasyong Sumuko Sa Love ni Direk Jason Paul Laxamana ang masasabi naming totoong-totoo, at walang inhibitions sa bawat kuwento ng magkakaibigang sina Jane Oineza, Tony Labrusca, Jerome Ponce, Albie Casino at Myrtle Sarrosa.
Akma rin ang kuwento nito sa bawa’t isa sa atin. Kaya relate much ang lahat ng mga nanood ng red carpet premiere last Monday sa SM Megamall Cinema 7. Malinaw na ipinakita sa pelikula ang istorya ng magkakaibigan na kahit nag-aaway-away dahil sa kani-kaniyang katuwiran ay hindi rin nila natitiis ang isa’t isa sa huli dahil nagdadamayan sila sa problemang kinakaharap.
Ang husay ng performance dito ni Jerome Ponce bilang gay businessman na effortless ang pag-arte. At aliw ang lahat sa sexy dance ni Jerome na sinasayawan si Anjo Damiles na gusto niyang maging boyfriend sa pelikula.
Consistent ang galing ni Jane Oneiza sa pag-arte bilang hardworking vlogger dahil may gustong patunayan sa sarili at tapatan at kabugin ang bagong nobya ng ex-boyfriend na si Thia Tomalla.
Si Myrtle, na isang promodizer ay takot sa commitment kaya lagi silang nag-aaway ng boyfriend niyang si Albie na isang old soul at naiiyak kapag nakapapanood ng romcom.
At si Tony Labrusca ay single at kahit gustung-gusto niyang magka-girlfriend ay hindi niya magawa dahil mas prayoridad niya ang work dahil sa responsibilidad na ibinigay ng mother. Kaya nag-focus siya sa trabaho niya hanggang tamaan ng depresyon at muntikan nang mag-suicide.
Marami sa atin ang dumaranas ng depression kaya’t very timely ang kuwento. The movie is well-acted. The stars were able to deliver what is expected of them. The movie is also entertaining.
Palabas na ito sa more than 130 Cinemas nationwide and as we heard it’s doing well in the box office.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma