Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sa dami ng puwedeng bawasan… PGH pa talaga ang tinapyasan ng budget ng Kamara

HINDI natin talaga maintindihan ang takbo ng utak ng mga mambabatas.

Mantakin ninyong kung ano ‘yung institusyon na nakatutulong sa mahihirap nating kababayan at kung saan nagsasanay ang magagaling na doktor para sa hinaharap, ‘e ‘yun pa ang binawasan ng budget — ang Philippine General Hospital (PGH)?!

Noong 2019 national budget, umabot sa P2.198 bilyon ang alokasyon sa medical services ng PGH, kabilang ang mga gamot, medical equipment and supplies.

Pero sa 2020 national budget tinapyasan ito ng 14 porsiyento katumbas ng P456 milyon kaya naging P2.77 bilyon na lang.

Kaya kahit ‘ini-restore’ ang P200 milyon sa Kongreso, kulang na kulang pa rin ito para matugunan ang pagpapagamot ng mahihirap na pasyente at ang pag-a-upgrade ng mga pasilidad ng PGH.

Kung nagagawi po kayo sa PGH, doon ninyo makikita kung gaano kalaki ang pangangailangan ng ospital dahil kailangan nang ayusin ang mga elevator. Ilan na lang ang elevator na pinakiki­nabangan diyan.

Gusto lang natin itanong, may PET scan na ba sa PGH? Malamang wala pa, dahil sa malalaking pribadong ospital lang mayroon nito.

Kumusta naman ang budget para sa suweldo ng mga doktor, nurses, med tech, at iba pang empleyado ng PGH, napagtuunan ba ito ng pansin?!

Malamang hindi, kasi hindi naman sa PGH nagpapagamot ang mayayaman nating mga mambabatas.

Sa isang banda mabuti na rin iyon, huwag na nilang agawan ng serbisyo ang mahihirap nating kababayan.

Pero sana naman, kung hindi ninyo kayang dagdagan ang budget, huwag na ninyong tapyasan.

Alam kaya ng mga mambabatas na mahaba ang pila ng mga pasyente sa PGH kahit sa out-patient department (OPD) lang pero kaunti na lang ang kaya nilang tanggapin dahil sa kakapusan ng budget?!

Hindi nila alam.

Kasi kung alam nila, dapat dinagdagan nila ang budget, hindi tinapyasan.

Ma-drawing pa ang Kamara, ini-restore raw ‘yung P200 milyon sa tinapyas na P456 milyones?!

Ano po ba ang gusto ninyong marinig sa mga mamamayan — thank you?!

Gusto pa ninyong palabasin na may utang na loob ang sambayanan dahil may ini-restore kayong P200 milyones?!

 ‘Yung term nga lang na ‘restore,’ isang malaking panlilinlang na ‘yun e.

Uulitin lang po natin, mga kagalang-galang na mambabatas, dagdagan ninyo ang budget ng PGH, huwag ninyong tapyasan.

At huwag ninyong tsubibohin ang mga mamamayan.        

Ay sus!            

 

HINAING SA PASAY BRGY. 139
(PAKI-EXPLAIN
CHAIRMAN PALMOS)

GOOD pm! Ako po ay lumiham para i-complain ang aming barangay 139 captain Palmos dito sa Pasay City. Wala na po talaga nangyayari sa aming barangay dahil kahit may direktiba ang DILG na alisin ang mga nakaparadang kalsada ay walang aksiyon ang aming kapitan. Kahit noong piyesta last Aug ay wala man lamang ginawang kasiyahan sa aming lugar kompara sa mga brgy na aming kalapit, talagang aktibo ang mga kapitan na mapasaya ang mga tao. ‘Di nmin alam paano nagagamit ang pondo ng aming brgy? Puwede po ba paimbestigahan sa COA ito? Ang kabilang brgy ay nag-defogging kontra dengue ngunit sa amin ay wala pa rin na dapat ay gawin din un dahil sa pagkalat ng sakit. Talagang ginawa na nilang kabuhayan ang barangay funds dahil wala naman silang alam na ibang trabaho dahil wala naman silang natapos. At isa pa ay ‘di man lamang nagsasalita ang kapitan ‘pag may meeting dahil alam ko talagang walang alam sa batas at patakbo ng barangay. Sana po ay malaman namin at makita paano ginagamit ang pondo ng aming barangay. Salamat po!

John Santos <john_ ———[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *