Majority ng ginawang movies ng director na si Jason Paul Laxamana ay hit sa takilya. Dito sa kanyang latest movie na Ang Henerasyong Sumuko Sa Love, sinabi ni Direk Paul sa kanilang recent mediacon noong magkausap sila ni Ma’am Roselle Monteverde na gustong gumawa ng barkada movie ng Regal Entertainment.
Ayon Direk Paul, gusto niya ay youth oriented movie na no holds barred, hindi siya pabebe na tulad ng mga napapanood natin. At dito na nga nabuo ang cast, na kinabibilangan nina Tony Labrusca, Jane Oineza, Jerome Ponce, Albie Casino at Myrtle Sarrosa at lahat ay pumayag na mag-daring sa film dahil kailangan sa istorya.
Pero ayon kay Tony, total opposite sa “Glorious” ang gagampanang character. Nasa bucket list rin daw ng actor na makagawa ng ganitong klase ng pelikula , and working with everybody was really great, ayon pa sa Kapamilya hunky actor.
“Idol ko si Direk Paul, ‘yung The Day After Valentine’s at pinanood ko ang films niya. Masaya ako na natanggap ko ang project, at ‘yung cast mga friends and new friends and na-feel ko na barkada film itong movie namin,” say naman ni Jane.
Sina Myrtyle at Albie na live-in partner sa movie ay may intimate scenes at magmamarka sa lovers ‘yung dialogue ni Myrtle na, “Bakit pa tayo magkakaroon ng level, kung eventually ay maghihiwalay din tayo.”
Gay naman ang character dito ni Jerome na aminadong natakot na i-portray ang role pero nagawa naman nang maayos at may shower scene at love scene sila rito ng gumaganap na lover.
Naku, huwag n’yo itong palampasin at sa October 2 na ang showing in cinemas nationwide.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma