Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Pag maingay walang alam? kapag tahimik matinik

“MAGBAGO na kayo, kung hindi mamalasin kayo!”

Ito ang maingay na banta ni Bureau of Corrections (BuCor) chief, Gerald Bantag, laban sa mga preso at mismong sa kanyang mga tauhan na aniya’y ‘gumagawa’ o ‘nagpapalusot’ ng mga kalokohan at ilegal na gawain sa loob g National Bililbid Prison (NBP).

Ang tanong natin ukol sa pahayag na ito, may nasindak naman kaya?! May ninerbiyos ba o kinabahan man lang?!

Parang narinig natin ang sabay-sabay na sagot ng mga ilegalistang preso at mga konsintidor na personnel sa NBP at BuCor: “Hoy kamote, ubos na ang daga sa dibdib namin. Takutin mo lelong mo and tell it to the Marines!”

E bakit nga hindi?!

Marami nang nagsabi niyan at nagpaandar sa umpisa pero sa huli — nganga!

Ilang beses na nating napanood ang ganitong deskarte. ‘Yun bang tipong parang napasok na nila lahat ng sulok ng mga kulungan sa Filipinas?!

‘E ‘yun ngang detention cell sa mga presinto at PCP (police community precinct), may naitatago o nailulusot pang ilegal ang mga inmate o persons deprived of liberty (PDL), doon pa kaya sa napakalawak na Bilibid?!

Sa isang banda, kung mayroon mang nasindak na preso kay Bantag, baka ‘yung mga bagong pasok lang ‘yun na madalas pang nabu-bully ng mga kapwa niya preso o kaya ng mayores mismo.

Pero sa palagay natin, mas masisindak kay Bantag ang ‘sindikato’ sa loob ng Bilibid kung una niyang uuriratin nang ‘tahimik’ ang ‘catering racket’ sa Bilibid.

Diyan pa lang sa raket na ‘yan, matutuhog na niya kung sinong opisyal at mga kasabwat sa loob ng Bilibid ang kaswal na kaswal gumawa ng anomalya sa loob.

Wala namang ipinag-iba sa ‘laya’ ang sindikato diyan sa loob ng Bilibid. Mula sa batayang pangangailangan na pagkain, tubig, higaan, mga gamit sa paglilinis sa katawan hanggang sa bisyong sigarilyo, alak, at shabu, tumatabo ang naitatalagang opisyal diyan.

Mas gugustuhin ng mga may-ari ng sari-sari store sa labas ng Bilibid na magpautang sa mga preso dahil hindi lang triple ang balik sa kanila ng order na items. Kayang-kaya nilang higitin ‘yan na parang ‘ginto’ ang presyo.

Alam na rin kaya ni Bantag na ang alak sa loob ng Bilibid ay naipapasok ng magagarang sasakyan o SUVs at halos 1000% ang presyo ng bentahan o depende sa pangangailangan ng buyer?!

May ‘hint’ na rin kaya si Bantag kung paano susugpuin ang sindikato ng droga sa loob ng Bilibid?!

Puwes, kung wala pa siyang alam sa kalakaran sa oblo, hindi dapat nagsasalita ng kung ano-ano si Bantag dahil hindi siya inilagay ni Pangulong Digong diyan para pasikatin ang sarili sa kadadakdak.

Inilagay siya sa BuCor para magtrabaho nang tama.

Simple unsolicited advice lang Sir: intel work muna bago dakdak.

‘Yun lang po!

 

ABUSADONG BARANGAY
OFFICIALS MANANATILI
PA RIN SA PUWESTO
(HANGGANG KAILAN KAYA?)

MINALAS na naman ang constituents dahil sa muling pagbinbin sa barangay elections.

Malungkot ang mamamayan pero tiyak na nagdiriwang ang mga politiko.

Kasi nga naman, katatapos lang nilang tumosgas nitong nakaraang eleksiyon (May 2019) tapos totosgas na naman ngayong Oktubre?!

Higit sa lahat, masyadong mapapaaga ang ‘bakasyon’ ng mga abusadong barangay officials kaya naman sabay-sabay silang nagdiriwang ngayon.

Habang ang mga mamamayan, tiis-tiis muna. Pigilin muna ang matinding pagkaasar sa barangay officials dahil baka ma-stress lang kayo.

Pero ang pinaka-importante, huwag na huwag ninyong kalilimutan ang kanilang mukha at mga pangalan — na sabay-sabay na ibabaon sa ‘libingan ng lilimuting kasaysayan’ upang huwag na muling nakapaminsala sa lipunan.

Sabi nga, be resilient until the judgment day.    

         

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *