Friday , June 2 2023
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Atty. Persida Acosta nalihis nga ba sa ‘dating daan’ ng katotohanan?

“ANG pera ng bayan ay nalulustay sa isang bagay na puwede namang gampanan ng NBI at PNP (Philippine National Police).” 

‘Yan ang mariing pahayag ni Senator Franklin Drilon kaugnay ng isyu ng legalidad ng pagbubuo ni Public Attorney’s Office (PAO) chief, Atty. Persida Acosta ng PAO forensic lab sa ginanap na deliberasyon ng Senado sa kanilang 2020 budget.

Para sa Senador, ang ginawa ni PAO chief Atty. Persida ay paglulustay ng pera ng bayan at panggagaya sa trabaho ng pulis at NBI.

Matagal na rin umanong kinukuwestiyon ang legalidad ng PAO’s forensic lab, na nilikha noong 2014 at pinamumunuan ng consultant na si Erwin Erfe. Mismong Office of the Ombudsman at House of Representatives ang kumukuwestiyon dito.

Hindi umano ito pinapayagan ng PAO law pero iginigiit ni Acosta na ang unit ay aprobado ng Department of Budget and Management (DBM).

Pero paanong magkakaroon ng kredebili­dad ang forensic lab ng PAO kung nagagamit ito sa ibang layunin?!

Hindi natin itinatanggi na bilib tayo kung paano ipaglaban ni Atty. Persida ang kanyang mga layunin at adhikain.

Hindi pa rin natin nalilimutan ang maagap niyang pag-rescue noon kay Ted Failon.

Pero ngayong tumitindi ang kontrobersiya sa isinulong na isyu ng dengvaxia, naitatanong tuloy natin, lumihis nga ba sa ‘dating daan’ ng katotohanan si Atty. Persida?

Kasi naman, hindi nila tuluyang na-established ang katotohanan sa isyu ng deng­vaxia at bigla na lamang namatay ang ‘init’ nito lalo ngayong maraming nagsusulputang insi­dente dahil sa pagbaba ng bilang ng mga magulang na umayaw sa programang bakuna ng pamahalaan.

Ano ba talaga ng katotohanan sa likod ng mainit na pagtuligsa ni Atty. Persida sa isyu ng dengvaxia?!

May obligasyon at responsibilidad ngayon si Atty. Persida at ang DOH na magharap at maging makatotohanan para iligtas ang maraming Filipino na magiging biktima nang mabitin ang isyu ng dengvaxia.

Ano nga ba ang katotohanan sa likod nito?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Solusyunan ang unemployment, Mr. President

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Nabunyag sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mga bugok sa QC hall, magbago na kayo

AKSYON AGADni Almar Danguilan Mayroon pa palang mga bugok na kawani sa Quezon City Hall. …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Panibagong fertilizer scam?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. TILA walang katapusan ang pagpapalabas ng Department of Agriculture …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Gera ni MGen. Okubo vs “1602”; si J. Bernardino at “137” sa Las Piñas

AKSYON AGADni Almar Danguilan KALIWA’T KANAN na naman ang operasyon ng limang distrito ng pulisya …

Dragon Lady Amor Virata

Extension ng SIM card registration tigilan

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUWAG na sanang magkaroon ng extension para sa SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *