Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Money laundering sa sistema ng POGOs dapat imbestigahan nang seryoso at malaliman

PATULOY ang pamamayagpag ng online gaming sa bansa sa pamamagitan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa ilalim ng basbas ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

Malamang na kaya pinayagan ng gobyerno ang POGOs sa bansa ay dahil inisip nilang makapagbibigay ito ng trabaho sa marami nating kababayan. Pero maling akala dahil hindi English-based ang target market ng POGOs sa bansa kundi mga kababayan rin nilang Chinese.

Kaya sa madaling sabi, ang kinuhang empleyado ng POGOs ay mga kababayan rin nilang Chinese. At ang isyu ngayon, hindi lang ‘yung naaagawan ng trabaho ang mga Pinoy kundi malaki rin ang posibilidad na nadadaya ng POGOs ang gobyernong Filipino na umaasa ng malaking kita sa ‘industriyang’ ito.

Pero mayroong ibang pagtingin ang mga mambabatas gaya ni Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers sa POGOs. Mas naniniwala ang mga mambabatas na ang POGOs ay nagagamit sa money-laundering.

Sabi nga ni Rep. Robert Ace Barbers, “these groups created their own online gaming firms and used them as a money-laundering tool.”

Isa pa sa basehan ni Rep. Barbers ang natukla­sang 46 sa 58 lisensiyadong POGO mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ay hindi matatagpuan sa business/company name registry sa Filipinas o kahit sa abroad.

Ibig sabihin, itong mga POGO na may operasyon sa Filipinas ay maituturing na kolorum o ‘ghost POGOs’ kasi nga hindi sila rehistrado sa business/company name registry sa bansa o kahit nga sa iba pang bansa.

Ngayon, paano posibleng magamit sa money laundering ang sistemang ‘tinutuntungan’ ng POGOs?!

Ayon sa isang operator na nakausap ng inyong lingkod, totoong sila ay may sariling sistema dahil nga ang clients nila ay foreign nationals na karamihan ay Korean or Chinese nationals.

‘Yang foreign nationals na ‘yan ay papasok sa bansa sa pamamagitan ng casino ‘junket operation.’

Ibig sabihin pagpasok nila sa bansa, VIP sila. At ang kanilang dalang bet money ay ipinasok na nila sa casino junket operator bago pa sila umalis sa place of origin.

Naroon pa lang sila sa place of origin nila, halimbawa ay Korea or China, nagdedeposito na sila ng currency sa casino junket operator. Direkta umano ang pagdedeposito nila ng currency, hindi na ito daraan sa alinmang banko na naririto sa bansa o kahit saang remittance center.

At kapag ganoon ang sistema, naturalmente na hindi na ito namo-monitor ng mga ahensiyang may kaugnayan sa anti-money laundering.

At kung nanalo naman ang kanilang bettor, ganoong sistema rin, sisingilin ng bettor sa counterpart ng casino junket operator sa kanilang bansa. Definitely, hindi ito sa banko nila dahil kapag dumaan doon ay maiimbestigahan sila ng kanilang gobyerno.

Paano naman kumikita ang junket operator?

Siyempre ang kita ng casino junket operator ay ‘komisyon’ o porsiyento o service fee sa kabu­uang halaga ng ipapasok na currency ng foreign nationals.

And take note, hindi barya-barya ‘yan. Milyon-milyones ang pumapasok na kuwarta sa mga junket operator. At lahat ‘yan ay hindi namo-monitor ng ating gobyerno lalo ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Tinanong natin ang kausap nating operator, sino o alin ang pinakamalaking casino junket operator na naririto ngayon sa bansa?!

Ngumuso siya at nang sundan natin ang itinuturo… nasipat natin ang ‘Sun City.’

Sabay tanong ng inyong lingkod: “‘Yun bang Sun City.”

Sinagot niya tayo ng isang ngiti.

O, tip of the iceberg lang po ‘yan, mga kagalang-galang na mambabatas.

 

MIAA EMPLOYEES
NGANGA PA RIN
SA BENEPISYO

SIR Jerry good pm,

FYI, negative pa rin ang PBB naming MIAA employees. Pati overtime sa legal holidays nganga pa rin. Ang mga tao sa sindikato ng 5/6 sa admin at personnel tuloy tumatakbo. Ang aming union SMPP wala naman aksiyon sa delay benefits namin. Laging katuwiran wala pang pirma si GM Monreal. Pls don’t publish my number po.

+63995828 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *