TAOS-PUSONG bumabati tayo sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng Bureau of Customs NAIA sa kanilang matagumpay na 59th Founding Anniversary na pinangunahan ni District Collector Carmelita Talusan.
Nasaksihan ng maraming tao ang naganap na selebrasyon at napakaganda ng feedback ng mga tagalabas na bisita dahil maayos ang naging takbo ng pangyayari.
Ang kanilang naging tema sa selebrasyon ay “Flying High @59” na dinaluhan ng kanilang guest of honor na si Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, deputy commissioners, ibang BoC officials, guests at stakeholders.
Napahanga tayo kay District Collector Carmelita M. Talusan dahil sa kanyang ipinakitang maaayos na reporma sa BoC-NAIA lalo ang kanilang accomplishment report mula 2018 hanggang 2019.
Ibinahagi niya ang napakaraming nagawa bilang kasama sa nagpoprotekta sa hangganan ng bansa lalo ang pagsugpo sa ilegal na droga na kaaagapay niya ang PDEA, CAIDTF, CIIS at ESS.
Ginawaran ng parangal at awards ang outstanding Customs Officers, NAIA’s Finest na may certificates of commendation kasama si Commissioner Guerrero sa pagkakaloob sa gabi ng kanilang selebrasyon.
Nagkaroon din sila ng photo gallery na ang theme ay “Customs NAIA Protecting the Borders.” Nagwagi ang Law Division na pinangungunahan ni Atty. Marlon Agaceta.
Ang 3rd placer ay Arrival Operations Division na pinangungunahan ni Deputy Collector Atty. Lourdes Mangaoang, at 2nd placer ang EPU-ESS na pinangunahan ni Capt. Pedro Gutierrez.
Pinaunlakan sila ni Commissioner Guerrero na sumayaw at nag-alay ng kanta para sa kanila.
Na-recognized din ang mga committee ng selebrasyon at kasama sa mga pinasalamatan ni Coll. Talusan ang lahat ng empleyado at mga opisyal ng NAIA Customs lalo ang mga hepe at deputy collectors niya na katuwang niya upang lalong gumanda ang takbo ng Port of NAIA.
Mabuhay ang buong NAIA Customs and keep up the good work Coll. Mimel.
God bless! Congratulations sa inyong lahat!
PAREHAS
ni Jimmy Salgado