Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
aiai delas alas

Ai Ai, pinaghahandaan na, tatakbong VM ng Bulacan

NOON pa namin naulinigan na may planong sumabak sa local politics si Ai Ai de las Alas. Nais niyang sungkitin ang isang elective post in her native town in Batangas.

Kaya nga rin pinlano niyang kumuha noon ng crash course in public administration para hindi siya mangapa sa mundong gustong pasukin.

Nitong kaarawan ni Mama Mary (September 8) ay nag-alay ng pamisa si Ai Ai na taon-taon naman niyang ginagawa. As usual, inimbitahan niya ang ilang barkada mula pa sa kolehiyo.

Hindi katulad ng mga nagdaang taon when Ai Ai would spend longer hours with friends ay nagmamadali raw ito.

Guess kung saan pa ang lakad niya that day? Aniya, deadline ng filing ng COC (certificate of candidacy) para sa lokal na puwesto in preparation for the May 2022 elections.

Ang source ng inyong lingkod ay common friend namin ng komedyana who told us na sa Bulacan tatakbo ni Ai Ai bilang vice mayor.

Agad naming sinagot ‘yon. Paanong Bulacan, samantalang Ai Ai traces her roots to Batangas? At sinong taga-Batangas? Hindi naman ang mister niyang si Gerald Sibayan dahil ang alam nami’y taga-Nueva Ecija naman ito.

At COC filing na ba, eh, nitong Mayo lang ang huling halalan?

Or was Ai Ai just living to her public image na mapagpatawa?

Samantala, inside job ang nangyaring panloloob sa kanyang bahay days before that. Nakuha ang kanyang LV bag plus isang signature wallet, na ang suspek ay kamag-anak ng kasamabahay niyang pinaalis.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …