Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sa P4.1-T 2020 nat’l budget… P100 milyones kada kongresista, sekreto ng mabilis na aprub

NGAYONG araw ay inaasahang aaprobahan na sa Kamara ang P4.1 trilyong national budget para sa 2020.

Positibo ang Kamara na mabilis na maaprobahan ang nasabing panukalang national budget lalo’t sinertipikahan ng Palasyo na “urgent bill.”

Ayon kay House ways and means committee chairman Joey Salceda, binigyan ng tig-P100 milyones ang bawat kongresista para sa mga proyekto nila.

P70-milyones para sa impraestruktura kagaya ng mga kalsada, at P30-milyones para sa mga tinatawag ng “soft projects” kagaya ng “medical assistance” para sa kanilang constituents.

Ngayong 18th Congress, tayo ay mayroong 304 mambabatas. Lahat sila ay bibigyan ng P100-milyones sa ngalan ng kanilang constituents.

Napakapalad na mambabatas na ‘puspos ng biyaya’ mula sa taxpayers’ money.

Kung sinasabi ni House Speaker Alan peter Cayetano na walang ‘pork’ ngayong 18th Congress, ano ang ‘bagong termino’ ng P100 milyo­nes na ipagkakaloob sa bawat mamba­batas?!

Pakiklaro na nga po, Cong. Salceda.

Hindi na tayo nagtataka kung bakit may isang kongresista sa southern Luzon na nakabili na ng gas station e mayroon pang bagong building worth P200 milyones ‘e.

Sino kaya ‘yang congressman na ‘yan, Speaker Alan?!

Ayaw mo nang ganya sa liderato ninyo, hindi ba?!

Abangan din natin kung sino-sinong ‘contractor’ ang lalo pang mamumunini sa tig-P100 milyones ng mga kongresista.

Sa isang lalawigan naman sa Bulacan, mayroong magkaribal na politician na nagkaka­asuntohan pa kunwari pero magkasabuwat pala sa pagpapatupad ng mga pagawaing bayan dahil ‘yung isa ay dating kontratista, habang ‘yung isa naman ay kasalukuyang kontratista.

Ang tambayan dati ni ex-contractor na isa na ngayong solon, ay teritoryo ngayon ng kasa­lukuyang kontratista, na dating elected official sa bayang magkasabuwat nilang ‘kinakalakal’ este pingmulan.

Ngayon, magtataka pa ba tayo, kung bakit madaling maaprobahan ang 2020 national budget?!

Nasagot na ang P100-milyon katanungan, bayan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *