Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Solons gigil sa sandamakmak na GI (Genuine Intsik) sa Ph… PAGCOR isasalang sa POGO license ng online gaming

TARGET daw isalang ng mga kongresista sa Kamara ang mainit na isyung pinag-uusapan hinggil sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) at ang ‘paghugos’ ng sandamakmak na GI as in Genuine Intsik sa bansa.

Pangunahing magsusulong ng imbestigasyon sa Kamara si Congressman Benny Abante at sinususugan ito ni CIBAC Party-list Rep. Eddie Villanueva at Tondo Rep. Manny Lopez.

Isa umano sa target na busisiin ng mga kongresista ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na nag-iisyu ng lisensiya sa POGOs.

Batay sa opisyal na record, sinasabi ng PAGCOR na mayroon lamang 58 lisensiyadong POGO sa bansa.

Pero ang ipinagtataka natin, bakit ‘yang 58 POGOs na ‘yan ay nanganganak?

Halos umabot na umano ‘yan sa 80 hanggang 90?!

Bukod umano sa lisensiya ng POGO, ang PAGCOR ay nakapag-iisyu rin ng certificate sa mga Chinese companies bilang service provider ng mga POGO.

Service provider as in customer service provider at hindi po bilang online gaming.

Kaya kung iimbestigahan ng Kamara kung paano nakapag-iisyu ng certificate for service provider ang PAGCOR, ‘yan ang dapat unahin ng mga kongresista dahil mukhang diyan nakatago ang ‘Lihim ng Guadalupe’ kung bakit sandamakmak ang Chinese nationals ngayon sa Filipinas.

Game ka na ba riyan, PAGCOR chief, Madam Didi Domingo?! Kayo raw po kasi mismo ang nag-iisyu ng mga certificate na ‘yan?!

May kinalaman ba kayo talaga riyan o baka naman ‘nabubukulan’ ka lang?!

Ipatawag na rin kaya ninyo sina Mr. Kim Wong, ang may pinakamaraming online gaming ngayon sa bansa at ganoon din ang isang Richard Pale-Pale.

Kamakailan, sinabi ng DOLE na 8,371 Chinese nationals ang hinahanap nila at pinag-a-apply nila ng alien employment permit (AEP) kapalit ng special working permit (SWP).

Pero 1,693 pa lang umano ang nag-a-apply kaya ibig sabihin, mayroon pang ‘gumagalang’ 6,678 Chinese nationals ang ilegal na nagta­trabaho sa bansa.

Hindi pa kasama riyan ang mga hindi na-monitor ng mga ahensiyang nakatalaga riyan.

Aabangan po namin ang imbestigasyon nina representatives Benny Abante, Eddie Villanueva, at Manny Lopez.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *