Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun dead

Mister pinagbabaril sa mukha, patay

PINASOK sa bahay at saka pinagbabaril sa mukha at katawan ang isang 45-anyos mister ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek, nitong Linggo ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ni P/Lt. Nick Fontanilla ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Rommel Martinez Ramirez, 45, may live-in partner, residente sa No. 35-D Kalayaan C. Ext., Brgy. Batasan Hills, QC.

Sa pahayag ni Ma. Jean Idanan, kapatid ng biktima, kay  P/Cpl. Alexiss Mace Jurado, imbestigador ng CIDU, dakong 8:30 pm nitong 15 Setyembre,  habang sila ay nanonood ng  TV,  biglang pumasok sa kanilang bahay ang isang armadong lalaki.

Nilapitan ang kanyang kapatid na si Rommel, sinakal at malapitang binaril sa mukha at sa katawan na agarang ikinamatay ng biktima.

Nang duguang bumu­lagta ang biktima, kaswal na naglakad ang suspek na nakasuot ng itim na jacket, at bull cap, patungo sa kanilang get-away na motor­siklo na naghihintay ang ka­sa­mang nakasuot ng helmet.

Agad humingi ng saklolo ang kapatid ng biktima sa mga opisyal ng barangay na siyang nag-report sa mga awtoridad.

Nakuha sa crime scene ng SOCO team na pinamu­munuan ni P/Capt. Jose Bonifacio ang dalawang basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Masusing iniimbes­tigahan ng mga awtoridad ang motibo sa naganap na pamamaril upang makilala ang mga suspek.

(ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …