Ano itong narinig natin na sandamakmak ang nahuhuling ‘fake Filipinos’ o ‘yung tinatawag na Pipino diyan sa NAIA Immigration?
Ito raw ‘yung mga GI o Genuine Intsik na gumagamit ng Filipino passports para lumabas at pumasok ng bansa!
Partikular daw sa NAIA Terminal 2 ang kadalasang dinaraanan ng mga GI!
Alam kaya ni Boy Pisngi ‘yan!?
Ayon sa nasagap nating ulat, itinuturo na ang Department of Foreign Affairs (DFA) branch diyan sa Alabang, Muntinlupa ang pinagmumulan ng mga dokumento.
Doon umano ipinoproseso ang mga naturang pekeng passports?
Susmaryosep!
Magkano, ‘este ano kaya ang aksiyon ni DFA Secretary Twitter ‘este Teddy Locsin tungkol sa talamak na raket na ‘yan?
Noong nakaraan ay mayroon din tayong naiulat tungkol sa mga kuwestiyonableng travel documents na nagmula naman sa Cotabato City.
Hindi natin akalain na pati sa NCR ay talamak na rin ang ganitong sistema?!
Ngayong napakahigpit ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ng Bureau of Immigration (BI), negatibo rin ang ‘timbre’ sa mga ‘palusot’ na pasahero.
Kung dati ay minamani lang nila ang makalusot sa airport, ngayon ay daraan sila sa butas ng karayom bago makalusot sa BI NAIA.
Paano na kaya Rico Mambobukol Pedtra?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap