Monday , December 23 2024

Sa kontrobersiyal sa GCTA… Pagharap sa Senado ni De Lima ipinaubaya ni Go kay Gordon

IPINAUUBAYA ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpa­pasya kay Senate Blue Ribbon  Chairman Richard Gordon hinggil sa hirit na padaluhin sa Senate hearing  si Senator Leila de Lima.

Ito ay dahil sa pag­kakaungkat ng involve­ment ni De Lima sa mga nakinabang sa GCTA law.

Paliwanag ni Go, ayaw niyang makulayan ng politika kung siya ang maggigiit ng pagdalo ni De Lima sa pagdinig ng Senado.

Binigyang-diin ni Go, patas siya at walang sasantohin, mananagot ang mga may kasalanan kahit ano pa ang political affiliation nila.

Kombinsido si Go na marami ang sumakay sa proseso ng GCTA at marami ang  name­mera kaugnay nito.

Ayon kay Go, nakapagtatakang mas marami ang mga nasa minimum compound na qualified sa mas maagang paglaya dahil sa GCTA Law pero nau­una pa ang mga nasa maximum com­pound na mas malaki ang kasalanan na maka­labas.

Ito aniya ay mali­naw dahil gumagana ang pera sa proseso ng  naturang batas.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *