Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian Rivera pinalitan si Jennylyn Mercado bilang ambassadress ng Tough Mama home and kitchen appliances

Last September 10 sa Seda Hotel North Vertis ay pormal nang ipinakilala si Marian Rivera, bilang bagong brand ambassadress ng Tough Mama Home & Kitchen Appliances na unang inendoso ni Jennylyn Mercado.

At fabulous ang press launch for Marian na kumuha pa ng sikat na young chef ang Tough Mama para ipakita sa invited entertainment press and bloggers ang kalidad ng kanilang mga produkto at siyempre naki-join din sa pagluluto si Marian na pinagkaguluhan sa event.

Ayon kay Marian, thankful siya sa trust na ibinigay sa kanya ng Tough Mama na pinag­katiwalaan siya at kinuhang endorser nito. Sa tanong na paano sasabihing tough ang isang ina, narito ang naging tugon ng magandang aktres, “Tough Mama ka kung sabay-sabay mong nagagampanan ang pagiging asawa, ina at nag­tatrabaho ka pa. Lahat ng mga Mama, tough depende sa religion, kasi kasama na rito ang faith at trust kay God.

“Ako bata pa natutuhan ko na sa Mama at Lola ko ang pagiging tough, pero mas higit sa Lola ko dahil siya ang nagpalaki sa akin, habang nagtatrabaho sa abroad si Mama,” masayang sambit ni Yanyan.

Dagdag niya, “At iyon din ang nagustuhan ko nang i-offer sa aking maging brand ambassador ng Tough Mama. Hindi ko alam na ang mga ginamit ko pa lang appliances, gawa nila, until ini-offer nila sa akin. Kaya noon pa ay binibili ko na ang appliances nila, kahit panregalo sa mga kaibigan at ina-assure ko naman kayo na matitibay lahat at very affordable pa,” pagbibida niya sa latest endorsement.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …