Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sue at RK parehong mahusay sa pokpok roles (Red carpet premiere ng “Cuddle Weather” mega successful)

BUKOD sa sandamakmak na fans nina Sue Ramirez at RK Bagatsing ay sinuportahan din ng ilang stars ang mega successful na Red Carpet Premiere ng kanilang pelikulang Cuddle Weather sa SM Megamall Cinema 7 nitong Miyerkoles.

Ilan sa mga dumating ang co-stars nina RK sa Nang Ngumiti Ang Langit na sina Cristine Reyes, Keempee de Leon at Moi. Sumuporta rin ang couple na kapwa director  na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas.

Well, lahat ng nasa loob ng sinehan ay tahimik at seryosong pinanood ang maselan pero mapusong pelikula ng Regal Entertainment Inc., na tumatalakay sa prostitution.

In all fairness sa lahat ng pelikula na may temang ganito, ang istorya ng Cuddle Weather na umikot sa mga character nina Adela (Ramirez) at Raam (Bagatsing) ang talagang tatagos sa inyong puso. Parehong hayop umarte at mahusay na pokpok ang dalawa sa pelikula.

At marami ang na-surprise sa biglang paglabas ni Mark Anthony Fernandez bilang young sugar daddy ni Sue na iniwan rin siya at Niño Muhlach na isa sa mga naging kliyente niya.

Kaaliw rin ang pagpatol ni RK sa matronang si Dexter Doria. Nakaiiyak ‘yung tagpo ng mag-inang Sue at Aleck Bovick at ‘yung pagtigil nila ni RK sa pagbebenta ng aliw at pagsisimula ng bagong buhay sa probinsiya.

Hindi lang kayo mae-entertain sa pelikulang ito kundi marami kayong aral na mapupulot. At sobra mang daring ang mga eksenang mapa­panood kina Sue at RK maging pakikipagtalik nila sa kanilang mga customer ay mamahalin n’yo ang dalawa.

Dapat saludohan ang director ng Cuddle Weather na si Direk Rod Marmol na lumikha hindi lang ng dekalidad na pelikula para sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) kundi tunay na kapa­nopanood.

Simula ngayong September 13 ay palabas na ang pelikula 180 Cinemas nationwide.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …