Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa hospital pass for sale issue… Witness tiniyak ni Bong Go

NANINDIGAN si Senator Christopher “Bong” Go na malaking  tao ang witness niya sa nabunyag na “hospital pass for sale” sa New Bilibid Prison (NBP).

Gayonman, tu­mang­­gi muna si Go na pangalanan ang kan­yang testigo kasabay ng pagiutiyak na han­da siyang magsalita sa kanyang nalalamang ilegal na aktibidad sa NBP.

Sinabi ni Go, ihaha­yag ng kanyang testigo ang mga nasaksihan sa loob ng NBP kung saan ginagawa ang illegal drug transaction sa ospital sa loob ng  bilibid.

Inilinaw ni Go, hindi kinonsinti ng kanyang  testigo ang pangyayari  bagamat naro0n nang nangyari ang illegal drug trade operations.

Samantala, kinom­pirma ni Go na base sa pahayag ng kanyang tes­tigo, totoo ang mga sinabi ni Senator Panfilo Lacson na nakapapagpasok ng cell phone sa NBP ang mga bilanggo dahil sa lagayan ng pera.

Binigyang-diin ni Go, kahit nasa kulungan ay  nakakikilos pa rin ang mga sangkot sa illegal drugs dahil sa nangya­yaring suhulan at modus sa loob.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …