Tuesday , May 6 2025
PNP QCPD

8 ‘laya’ sa GCTA lumutang sa QCPD

SUMUKO sa pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) ang walong ex-convicts na lumaya sa ilalim ng proseso ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) nitong Miyerkoles.

Ayon kay QCPD Director, P/BGen. Jose­lito Esquivel Jr.,  ang walo ay kinilalang sina Joselito Fernandez, 58, ng Brgy. Commonwealth; Rodel Bolo, 42, ng Brgy. Com­monwealth; Marianito Revillame, 52, ng Antipolo City; Emmanuel Avilla­noza, alyas Awel, 31, ng  Brgy. San Agustin, Nova­liches; Joselito Chua, 39, ng Brgy. Gulod, Nova­liches; Arthur Alvarez, 57, ng Taguig City; Ange­lo Calma, 30, ng Dama­yan Lagi, at Enrique Rabit, 37, ng Brgy. Pin­yahan, Quezon City

Sinabi ni Esquivel, sa pagsuko ng walo ay dala nila ang kaninang cer­tificate of discharge from prison.

Aniya, natakot ang walo makaraang mag­bigay ng 15 araw ulti­matum si Pangulong Rodrigo Duterte na dapat silang sumuko sa mga awtoridad.

Ang walo ang may iba’t ibang kaso, tulad ng murder, rape, frustrated murder, homicide, Possession of Explosives at iba pa.

Nakikipag-ugnayan na ang QCPD sa Bureau of Corrections (BuCor) para sa turnover ng walo.  

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Jon Lucas Jan Enriquez

Management ni John Lucas pinababaklas pag-endoso kay Abalos

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA ang team sa likod ng career ng Kapuso actor na si Jon …

Chavit Singson e-jeep

Chavit Singson pinasinayaan pagbubukas ng e-Jeepney factory sa ‘Pinas

PINANGUNAHAN ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang pagpapasinaya sa matagal na niyang pangarap, ang …

Dead body, feet

Bangkay ng kelot nadiskubre habang nagsosoga ng baka

NADISKUBRE ng isang pastol ng baka ang bangkay ng isang lalaki na kanyang natagpuan bandang …

Arrest Shabu

Sa Bulacan  
3 adik na tulak arestado, drug den binuwag

NAARESTO ang tatlong tulak sa isang drug den  kabilang ang operator na nagresulta sa pagkakakompiska …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bulacan at Angeles City
DALAWANG MWP NAARESTO SA MAGKAHIWALAY PNP OPS

BILANG bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas, dalawang most wanted …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *