Bukod sa nalilinis na ang kapaligiran sa iba’t ibang barangay ay napapakinabangan pa ang lahat ng mga bagay na plastic na kinokolekta ng Eat Bulaga na ipinagagawa nilang upuan. At matagal na panahon na silang namimigay ng plastic na upuan na may lalagyan ng libro o iba pang gamit sa eskuwelahan. Ang latest na napagkalooban ng Plastic ni Juan project kabilang ang upuan, libro, at iba pang kagamitan pang-eskuwela ay Benigno V. Aldana National High School sa Pozorubio, Pangasinan at sa Taliptip National High School sa Bulakan. Ito ay bunga ng pagbabayanihan ng ating mga Dabarkads sa barangay.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma