Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Nakaaalarma ang pag-atake at panununog sa imprenta ng pahayagang Abante

HINDI biro ang ginawang pagsalakay at panununog ng mga armadong kalalakihan sa imprenta ng pahayagang Abante sa Parañaque City.

Hindi ito usapin kung ang punto de vista ng nabanggit na pahayagan ay hindi nakaayon sa punto de vista ng kasalukuyang administrasyon.

Ang isyu rito, ang isang pahayagan na daluyan ng balita, komunikasyon, at nagtatala ng kasaysayan sa araw-araw, ay hindi lamang nakatanggap ng banta kundi tinangka talagang sunugin.

At kung hindi lang siguro maagap ang Parañaque Fire Bureau e baka tuluyang natupok ang imprenta ng Abante.

Napakalakas ng loob ng apat na armadong lalaki para buhusan ng gasolina, makina at mga rolyo g papel saka sinilaban ang planta. Apat lang nga ba talaga sila?                              

Nasa Metro Manila ang planta ng Abante. Nasa pusod ng kabiserang rehiyon pero hindi man lang kinabahan ang mga suspek. Pambihira at kakaiba ang kanilang lakas ng loob. Ano kaya ang gumatong sa kanilang adrenaline rush?

Malaking halaga ng salapi, droga o mahigpit na pangangailangan?!

Masasabi nating walang pakundangan sa malayang pamamahayag ang may gawa nito o ang utak sa likod ng tangkang pagsunog sa planta ng Abante.

Hindi lang ito panganib sa mga taga-Abante kundi sa buong industriya ng pamamahayag. Kaya naniniwala tayo na mayroong malaking obligasyon ang law enforcement agencies sa insidenteng ito.

Hindi ito puwedeng iwanan na unsolved case dahil kung hindi ito mareresolba tiyak na patuloy itong mauulit.

Sa kabila nito, naninindigan ang Abante News Group na patuloy silang maglilimbag ng pahayagan sa gitna ng banta sa kanilang seguridad.

Kasabay nito kapwa kinokondena ng Abante News Group at National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang ginawang pag-atake sa planta sa partikular at sa pamahayagan sa kabuuan.

Bilang dating presidente ng National Press Club, hindi lang natin kinokondena ang ganitong Gawain kundi naniniwala rin tayo na dapat higpitan ng mga mamamahayag ang seguridad sa ating hanay.

Hindi lamang sa pisikal na pag-aarmas kundi sa pagpapatibay ng propesyon sa pamamagitan ng tunay na integridad, kredebilidad at dignidad.

At ito ay lalo pang lalakas kung magkakaroon ng mahigpit na pagkakaisa sa ating hanay.

 

PAGGAMIT
NG CELLPHONE
SA IMMIGRATION
COUNTER
TULOY PA RIN!

SA kabila ng “memo” ni Bureau of Immi­gration (BI) Commissioner Jaime Morente na nagbabawal sa paggamit ng mobile phones sa immigration counter ay marami pa rin ang hindi sumusunod.

Kailan lang ay may nagbigay ng video sa inyong lingkod tungkol sa patuloy na paggamit ng cellphone ng Immigration Officers diyan sa BI-NAIA.

Hindi kaya ito napapansin ng mga Immigra­tion bisor d’yan?

O wapakels lang talaga sila?

Ang siste, bukod sa naglalakihang cellphone na bitbit sa counters ng mga IO ay may iba pang gumagamit ng headset na kabilang din sa ipinababawal sa memo ni commissioner?!

Naku ha!

Mga pasaway talaga kayo!

Talaga bang uncontrollable na ang mga IO sa airport?

Baka naman naghihintay lang sila na mabigyan ng sampol sa taas?

Ang paggamit ng mga CP ang isang dahilan kung bakit nagiging madali ang ‘contact’ ng mga IO sa mga palulusuting pasahero.

Madalas, ang kausap ng ‘traffickers’ diyan ay kontak nila sa labas na may bitbit na pasahero.

Tang-ining talaga!

Tila wa epek ang ‘doktrina’ sa training nila noon sa Philippine Immigration Academy kaya ganyan na lang katigas ang kanilang ulo.

Grabe talaga!

 

NABABAHALA
SA PAGDAMI NG G.I.
(Genuine Intsik)
SA BANSA

Dear Sir,

Biglang lobo talaga ang populasyon ng mga Chinese dito sa Filipinas. Halimbawa na lang sa area ng Aseana, paglabas mo ng condo maka­kasa­bay mo sa elevator ang mga Chinese national. Habang naglalakad naman ako, Chinese pa rin ang nakakasalubong ko, pati ba naman pagpasok ko sa fastfood chain Chinese pa rin ang bumungad sakin? ‘Yung totoo, nasa China na ba ako?

Tama na may tulong ang mga turista sa ating bansa pagdating sa larangan ng ekonomiya. Ang ‘di lang maganda wala tayong matalas na pangil sa mga overstaying. ‘Di na rin maikakaila na inaagaw na nila ang Filipinas paunti-unti. Akala ko sa WPS lang matapang ang mga Chinese, pero mukang likas sa kanila ang pagiging bully. Kamakailan lang e nababalita sa TV ang mga naarestong Chinese na hindi marunong sumunod sa batas natin at nagagawa pa nilang mandarag ng mga Pinoy kahit wala sila sa sarili nilang teritoryo, what more pag naangkin na nila ang Pinas?

  Ann R. Aquino
[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *