Thursday , December 26 2024

Bakit namamayagpag ang ‘Chinese loan sharks’ sa PH casinos?

TANONG po ‘yan ng marami lalo’t nagiging talamak ang kidnapan ng mga magkakababayan na Chinese nationals.

Ang unang rason, masyadong maluwag ang mga batas o regulasyon kaugnay ng pagsusugal sa mga casino sa ating bansa.

Kaya ang nangyayari, rito na nagsusugal ang mga Chinese national at dito rin nangungutang ng pangsugal nila sa mga kababayan nilang ‘loan shark.’

Kapag natalo sila at nabaon sa utang, isa lang ang solusyon, kunin sila at ikulong sa mga hotel at saka doon makikipagnegosasyon sa mga kamag-anak nila sa China na tubusin ang kapamilya nila.

Kasi nga sa China, hindi puwede ang one-to-sawang paglalaro sa casino lalo’t ordinaryong mamamayan lang sila.

Kapag naobserbahan na sobra-sobra ang kuwartang ipinangsusugal, tiyak iimbestigahan na sila ng kanilang gobyerno.

Dito sa ating bansang Filipinas, hindi ganoon ang buhay nila. Puwede silang magsugal nang magsugal nang magsugal. ‘Yun lang kapag natalo sila, mga loan shark ang magkukulong sa kanila.

Pero hindi lang dapat ito pinanonood ng mga awtoridad sa ating bansa. Dapat imbestigahan nang malalim ang raket na ito ng tila namu­mu­ong mafia ng Chinese loan sharks dahil darating ang panahon na makaaapekto ito sa industriya ng turismo at maging sa ekonomiya ng bansa.

Huwag po nating sabihin na hayaan natin ‘yang mga ‘yan, magkakababayan naman.

Panahon na para mgakaroon ng mahigpit na regulasyon ang gambling agency ng bansa lalo’t nagiging talamak ang kidnapan.

Aksiyon po ang kailangan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *