MAINIT na namang pinag-uusapan itong si Bureau of Corrections (BuCor) chief, Director General Nicanor Faeldon.
Sa ganang atin, mukhang may nakakabit na malas kay BuCor chief Faeldon dahil sa kanya na naman pumutok ang isyung ito.
Hindi ba’t ganyan din ang nangyari sa kanya sa Bureau of Customs (BoC).
Pero kung tutuusin, matagal nang isyu ‘yan sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).
Hindi lang ang pagpapalabas ng mga convicted sa heinous crimes sa pamamagitan ng GCTA diyan sa Bilibid kundi maging ‘yung pagpapalipat mula sa mga kulungan na nasa probinsiya patungong Bilibid.
Malakas na pumuputok noon pa na milyones ang budget para sa pagpapalipat ng mga convicted na akusado.
Paano mabubuyangyang ‘yan sa publiko?!
‘E ‘di lifestyle check.
Subukan po ninyong i-lifestyle check ang mga opisyal sa BuCor at mga warden sa iba’t ibang kulungan sa ilalim ng BuCor at tiyak diyan sasabog ang “Lihim ng Guadalupe.”
Hindi natin alam kung saan patutungo ang imbestigasyon sa Senado, baka ang target lang niyan ay si Faeldon.
Kapag wala na si Faeldon, payapa na naman ang lahat at back to old habits and transactions.
Arayku!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap